"Anak naman ng putakti kasing Jefferson Santiago na iyan e. Hindi kumo kasal na nya bukas feeling importante na sya. Nasayang tuloy ang mga bebot natin sa bar." Raklamo ni Macky. Naririndi na sila sa karereklamo nito.
Stag party kasi ni Jef dahil kasal na nila bukas ni Sam pero tinawagan ito kanina ni Tita Eliza dahil nagkaroon yata ng problema sa bahay nila kaya umuwi din ito.
Pero itong si Jef naman ay nahulog ang cellphone sa upuan at pinapahatid nito sa bahay nila kaya no choice silang lima. Kumuha pa naman si Macky ng babae para umaliw sa kanila ngayong gabi sana.
Para walang lugi. Silang lima ang naghatid ng cellphone at ang mga girls na kinuha nila ay pinauwi nalang.
Sabagay. Apat lang naman iyon dahil kasal naman na si Ron at si Jef. Nungkang papansin pa ito ng iba.
Takot lang nito kay Sam.
Halatang busy parin ang mga nag aayos ng garden nila Jef. Grabe ang ayos. Hindi pa tapos pero nahuhumiyaw na sa karangyaan.
Sabagay. Nag iisang taga pag mana lang naman ng mga Santiago ang kaibigan nila at hindi din basta basta ang pamilya ni Sam na tita ni John.
Dere deretso silang lima papasok sa mansion ng agawin ng pansin nila ang tawa na nagmumula sa garden kasabay ng pagtunog ng tubig sa pool na parang may bumagsak doon.
tawanan uli at sigawan.
"Nagkakasiyahan na yata ang mga nag aayos." Natatawang wika ni Ron.
*******
CRISSA
"Eyyyy... bat mo pa ako hinila!" Reklamo ni Crissa kay Carla ng sumunod din syang bumagsak sa tubig.
Naglalagay kasi sila ng design sa isang poste sa gilid ng pool gamit ang makukulay na tela ng mawalan ng balanse ang kaibigan dahil naapakan nito ang telang nakaladlad sa sahig. Ang hawak nitong tela ay hawak din nya at huli na ng bitawan nya dahil nahila na nito iyon. Kaya ayon. Dalawa silang naligo sa pool sa kalagitnaan ng gabi.
"Haha.. last na kasi iyan kaya pwede na daw kayong maligo." Biro ni Madam Vicky na tawa parin ng tawa habang pinapanood silang dalawa na nakaloblob sa pool.
"Anong nangyari sa inyo bakit naisipan nyong maligo e ang lamig lamig." Naiiling ding biro ni Madam Eliza. Ang nanay ng ikakasal.
Sinabuyan sya ng tubig ni Carla. "Naniniwala na ako sa bilis ng karma. Ikaw ang pinakamalakas tumawa kaninang nahulog ako e. Di sumunod ka din agad." Pang iinis nito sa kanya.
Gusto nyang sumimangot pero natatawa sya. "Tsk! Kung bakit naman kasi nakahills ka ayan tuloy." Reklamo nya. "Uuwi tayong basa nyan. Wala pa naman akong dalang damit." Nag aalala nyang sabi kay Carla habang naglalakd na papunta sa gilid.
"Hoy saan ka pupunta. Ituloy na nating maligo. Once in a life time lang ito." Birong pipigilan sya nito kaya pinandilatan nya ito ng mata.
"Once in a life time ka d'yan. Ang lamig lamig kaya." Reklamo naman nya saka na humawak sa gilid ng pool. Agad naman sumunod ito sa kanya.
Mabilis naman silang tinulungan para makaahon sa tubig. Hindi nya maiwasang panginigan ng katawan ng makaahon sila dahil sa pag ihip ng hangin. Ang lamig pa naman ng panahon ngayon.
"Hala. Sunod kayo sa akin para makapagbihis kayo." Wika ni Madam Eliza na nakalapit na pala sa kanila.
Mabilis naman silang sumunod ni Carla. Yakap yakap nya ang sariling dahil sa sobrang lamig. Ganon din si Carla
Hindi nya mapigilan ang pag alpas ng tawa. "Hahaha... para kang penguin na nilalamig." Buska nya sa kaibigan. Medyo nauna kasi ito sa kanya kaya kitang kita nya kung papaano ito lumakad. Halos hindi ito makalakad ng deretso.
"Ha ha.. nakukuha mo pang tumawa. Naninigas na nga tayos sa lamig." Sermon naman nito sa kanya.
Tumawa uli sya. "Kasalanan ko ba kung bakit tayo nabasa." Nag lakad uli sila pero hindi na nila tanaw ang likod ni Madam Eliza.
"Hala. Iniwan na tayo. Baka mawala tayo dito. Ang laki pa naman ng bahay nila." Birong totoo nya kay Carla.
"Ang daldal mo kasi e. Tara na." Yaya nito kaya sumunod nalang sya.
Pag alsa nila sa may garden ay nakita nila ang pintuang papasok sa mansion pero nag alangan silang pumasok dahil tumutulo ang tubig sa katawan nila kaya bahagyan silang sumilip sa loob baka sakaling may dumaan.
dahil wala naman syang makita ay pumwesto nalang sya sa likod nito at bahagyan dinikit ang katawan dahil sa nilalamig talaga sya.
"Sh*t! Nagbabaan ang mga adonis Crissa." Impit na tili nito kaya nakisilip na din sya. Pero dahil sa madulas ang sahig dahil sa pagkakabasa nito ay nadulas sya at nawalan ng balanse kaya naitulak nya ito at ang malas ay pati sya ay sumama din pabagsak dito.
"Hayyy!!!!." Sabay nilang tili ng kaibigan.
Nakadapa ang kaibigan sa sahig habang sya naman ay nakadapa din sa likod nito.
"Haiiysttt!!! Ang malas mo namang kasama. Pinanghiram mo talaga ako ng mukha sa cemento." Reklamo nito. Mahina lang iyong pero ramdam na ramdam nya ang panggigigil.
Pero imbis na tumayo na sya sa likuran nito ay napahalakhak sya ng malakas pa dahil sa sobrang kamalasan nilang dalawa.
"Ay anong nangyari sa inyo bakit kayo nakadapa d'yan." Rinig nilang tinig ni Madam. Sabay uli silang napatingala sa nagsalita ng hindi parin bumabangon.
"Aba! Tumayo kana d'yan. Baka akala mo katawan ng lalaki ang dinadapaan mo." Iskandalusang tili uli ng kaibigan kaya umalis na sya sa likuran nito pero umupo lang sya sa tabi nito. Bumangon din ito at naupo paharap sa kanya.
Nagkatitigan sila. parang may sariling isip ang mga matang nag usap. Halos sabay silang tumawa ng makita ang itsura ng isa't isa.
"Nakadrugs ba ang mga bisita mo tita?" Tanong ng tinig na nakapagpatigil ng kanilang tawa. Sabay uli sila ni Carla na tumingin dito. At halos malaglag ang panga nya ng makita ang mga naggwagwapohang lalaki na nasa tabi na ni Madam Eliza.
"Masayahin lang talaga sila." Sagot naman ni Madam Eliza doon sa nagtanong sa kanya at saka bumaling uli sa kanila. "Ito na ang towel nyo. Sumunod kayo sa akin para makapagbihis na kayo bago pa kayo siponin." Abot nito ng towel sa kanila na mabilis naman nilang inabot.
Mabilis syang tumayo. "Cris. Tulungan mo naman akong tumayo. Ang sakit ng tinamaan ng siko mo." Reklamo ng kaibigan kaya mabilis naman syang tumalima para tulungan nito.
Binubuklat nya ang towel ng bulungan siya ng kaibigan kaya napahinto sya para pakinggan ito. "Besshy... bakat na bakat ang damit sa katawan mo. Kitang kita ang red mong bra." Bulong nito kaya wala sa loob napatingin sya sa sarili at halos mapanganga sya dahil totoo nga ang sinabi nito kaya mabilis nyang naiyakap ang towel sa sarili.
Napatingin sya sa mga kaharap. Patay malisya ang mga ito at sa iba na nakatingin pero may naglalarong ngiti sa mga labi ng mga ito.
"Wala kaming nakita Miss." sabi ng isa na halatang pilit na pinipigil ang tawa. "Sh*t bat kaba nansisiko d'yan Tim." Reklamo nito sa katabi
"Shut up your mouth Macky." Halatang inis na wika ng isa.
"Bakit? Sinasabi ko lang naman na hindi ko nakita a." Ng mapansin yata ng mga ito na kaayos na siya ay tumingin na ang mga ito sa kanila.
Hindi tuloy sya makatingin sa mga ito ng detetso.
"Bakit sila basa tita? Hindi naman siguro nila binalak magswimming dahil nakajens sila." Tanong uli ng isa na ang pogi ay pang boy next door.
"Aksidenteng nahulog sila sa pool kaya ayan. Team sila nong event organizer na kinuha namin." Pagpapaliwanag ni Madam Eliza kung bakit sila basa.
"Mukha ngang busy'ng busy pa sila." Puna naman nong isa na parang istrekto ang mukha.
"Nagkaroon kasi ng problema sa mga team nila kaya ginahol sila sa oras. Pero tapos naman na."
"Haaaaching!!!!" Tinakpan nya ang mukha ng hindi na talaga nya mapigilang mapabahing.
"Hay sorry. Nakalimutan ko. Sinipon kana yata. Tara bihis na kayo. Saglit lang boys at sasamahan ko muna itong dalawang 'to para makapagbihis na sila. Hintayin nyo nalang saglit si Jef. Baka pababa na iyon." Paalam nito sa lima.
Nakayuko ang kanyang ulo ng mapadaan sya sa harapan ng lima. Pakiramdam nya ay nakapako lang sa kanya ang mga mata ng mga ito.
"Bye Miss little Red. Nice meeting you." Pahabol na sigaw nong mukhang pilyong lalaki.
Namula ang kanyang mukha sa narinig. Lilingonin sana nya ito pero inakbayan sya agad ni Carla.
"Wag ka ng lumingon. Baka ikakapahamak pa ng penpem natin." Bulong nito.
"Huh?" Takang tanong naman nya dahil hindi nya magets ang sinabi nito.
"Asus. Kung makatingin sa iyo yong isa, parang ikaw lang ang nakikita. Sigurado. Nanganganib ang pempem mo doon." Nakanguso ito pero nanunukso naman ang boses.
Namula ang kanyang pisngi. "Pinag sasabi mo d'yan." Bulong naman nya saka mahinang siniko ito.
"Sinasabi ko lang ang nakita ko Crissa. Pustahan tayo. Kursunada ka non." Tukso nito aa kanya.
"Kung sila ang manliligaw sa akin hindi pa sila nakapagtatapat OO na agad ang sagot ko." Bulong din nya saka humagikhik. Pigil na pigil nya ang boses para hindi sila marinig ni Madam Eliza na nasa unahan nila.
"Ay ang landi ng bruha." Medyo napalakas ang boses ng kaibigan kaya napalingon sa kanila si Madam Eliza.
Hindi nya maiwasang mapangiwi.
"Ang saya nyo talaga ano." Puna nito sa na parang natutuwa sa kanila ni Carla.