Mahigpit na niyakap ni Crissa ang anak sa unang pagkakataon. Hindi nya alinta ang pag iyak nito habang nasa bisig nya. "Nandito na si Mama anak." Usal nya habang parehas silang umiiyak. "Mommyyy...." palahaw naman ng kanyang anak habang iniaabot ang maliliit na bisig kay Trecia na noon ay may luha din ang mga mata na nakatunghay sa kanila. Hindi kaila sa kanya na ito ang tumayong nanay ng anak nya habang nagpapagamot sya sa ibang bansa. Ramdam nya ang pag alalay ni Tim sa likoran nya at nagsimula na din itong haplosin sya doon kaya napasiksik sya sa dibdib nito habang yakap yakap parin ang anak nila. Walang salitang nanulas sa bibig nito pero masuyo sila nitong pinaloob sa bisig nito. "Nayakap ko din sya." Aniya na parang sasabog ang kanyang dibdib dahil sa sobrang pangungulila sa an
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


