"What do you mean sweetheart Enlighten me please?" Hindi makuha ni Tim ang ibig sabihin ng dalaga. Pinihit nya ito paharap. Nakipagtitigan ito sa kanya. Kitang kita nya ang lungkot sa mga mata nito. "Kailangan namin umuwi sa probinsya nila papa at doon na kami maninirahan." Lalo syang naguluhan. "Pero bakit? Maayos naman na kayo sa Maynila ah." Bumuntong hininga ang dalaga. "Matanda na si lola at mas gusto nyang manirahan nalang kami sa probinsya.." paliwanag nito sa kanya. Hindi parin sya makuntento sa mga sagot nito. "Papaano ang papa mo. Diba kasisimula palang nya sa kumpanya nila tito Aaron." Nagtataka kasi sya. Bakit biglaan naman yata. Naiwas ito ng tingin. "Hindi na tumuloy si Papa dahil nakiusap si Lola na sa probinsya nalang kami dahil mas gusto nito ang tahimik na lugar."

