Matalim ang mga mata ni Trecia habang pinapanood ang kanyang kuya at ang nobya nito. Nagpupuyos ang loob nya. Hindi sya pwedeng magkamali. Ito ang babaeng kasama ni Doc. Alvin kahapon sa coffee shop. Actually, nasa kanya pa ang larawan na senend sa kanya ng katrabaho din nyang nurse sa hospital. Sa larawan palang na iyon ay alam ng may namamagitan sa dalawa. Mayroon nakahawak si Doc. Alvin sa kamay ng babae at masuyong nakatitig ito dito. Mayroon nakahawak ang binata sa likod ng babae na parang kuntudo alalay ito. Selos na selos sya. Gusto nya sya lang! Gusto nya sa kanya lang gawin iyon ng binata. Si Doc. Alvin ay ex nya na pero hanggang ngayon ay hindi parin nya matanggap na wala na sila. Noong una ay pinagpustahan lang nila ang binata na paibigin nya lang ito tapos ay iiwan din sa

