Hindi ko alam kong bakit andito ang lalaki na ito. kasalukuyan siyang naka upo sa lumang upuan namin na gawa lamang sa kahoy.
Inasikaso ko naman agad siya Kasama Ang secretary niya na nagngangalang Kevin.
" I am not formally introduced my name that night because of the sudden chaos. I am Akio Zeus Ventura"
Nanlaki naman ang mata ko ng dahil sa sobrang gulat. Isa sa pinakamayamang tao si Akio Zeus Ventura, Kilala siya sa iba't ibang business at Kilala din siya sa angking talino nito. Perfect siya kung I describe ng mga kaklase ko.
Lahat ata ng babae ay nag kakandarapa sa isang katulad niya. Wika pa ni Monica noon na kapag nahawakan lang daw ang kamay nito ay para ka ng nanalo sa loto.
Ngumiti naman ako ng pilit sakaniya dahil nahihiya ako.
" What's your full name by the way." sambit niya
Tiningnan ko naman siya ng seryuso bago nag salita.
" I am Astra Leive Constana" diretso kung wika.
Tumango tango naman siya.
" We're here dahil sa pinirmahan mo noong gabing yun."
Nag taka naman ako. Sabi ko na nga ba at panganib Ang dala ng permang yun.
" Yung kontrata na pinirmahan mo ay isang fake marriage. Sinusundo na kita, Kailangan mong sumama Sakin dahil you agreed to be my fake wife."
Nanlaki naman ang mata ko ng dahil sa sinabi niya Sakin.
Ano bang nakain ng lalaki na ito at Ako ang gagawing fake wife!
" H-hindi-- Hindi ako papayag." biglang wika ni Nanay.
Nabaling naman ang tingin ni Akio.
" Is this your mother? I will take all the responsibilities. Ipapatingin natin siya sa isang espesyalista pati ang kapatid mo. Ako na din ang bahala sa mga gastusin at sa pag aaral mo" wika niya.
Nag isip naman ako dahil magandang offer yun, bukod sa magiging maayus na ang kalagayan nila nanay ay talaga namang mapapadali ang Buhay ko. Hindi na ulit ako gigising ng madaling Araw.
Tumikhim naman ako at agad na tumango.
" Sige, papayag na ako. Sa isang kundisyon--"
Tumingin naman siya Sakin ng seryuso habang salubong ang kilay niya.
" Wag na wag mo akong hawakan at galawin. Kailangan ay naka separate ang kwarto ko Kasama ang nanay at Kapatid ko. " wika ko naman.
Napangisi naman siya ng dahil sa sinabi ko.
" As if I fantasize that body" sambit niya habang natatawa.
Nainsulto naman ako ng dahil sa sinabi ng lalaking ito. How dare him! Kahit ganito Ang katawan ko ay maraming nagkakagusto Sakin.
" Psh, di ko naman sinabi na pinagpantasyahan mo ito naninigurado lang po!"
diniinan ko naman Ang pagkakasabi ng po dahil mukhang mas may edad na siya kesa sakin.
" I'm just 27 " wika niya naman habang nakakunot ang noo.
" 22 lang ako kaya nga ako nag p-po"
Umirap nalang ako at tumayo.
" Makakaalis kana ibigay mo nalang Ang address sakin pupunta nalang ako sa Bahay mo"
" No, sumama kana sakin ngayon din!" Maawtoridad na wika nito Sakin.
Gusto Kong mag protesta pero sa tingin palang niya ay parang kakainin na ako ng Buhay kaya Wala Naman akong nagawa kundi sumunod nalang ako sa gusto ng bakulaw na ito.
Agad naman akong pumasok sa loob at sinabi sa nanay ko kung anong nangyayari. Tutol siya pero nag mamatigas ako at inimpake ko na ang gamit nila ni Mayaki.
" Anak, baka pagsisihan mo Ang desisyon mo. Wag lagi kami ang iniisip mo isipin mo din Naman Ang Sarili mo maawa ka naman sa Sarili mo anak" wika nito Sakin.
Bumuntong hininga naman ako bago nag salita.
" Nay, Wala na pong dapat pag isipan pa. Kailangan niyo ito at mas Kailangan ni Mayaki itong treatment na ito. Ayuko lang makitang nahihirapan kayo, okay lang naman po ako at mukhang mabait naman si Akio" Wika ko Naman habang inaayus Ang Sarili ko.
Binihisan ko na din ang kapatid ko at si nanay.
Buntong hininga na lamang Ang isinagot niya Sakin at napilitan Naman siyang tumayo.
" Basta, pag sinaktan ka ng lalaking yun aalis Tayo!" sambit niya naman.
" Opo"
Lumabas Naman agad kami at kinuha naman agad ng tauhan niya Ang mga gamit na bitbit ko.
Tiningnan naman ako ni Akio mula ulo Hanggang paa, nakalugay lang Kasi Ang mahaba kung buhok curly ang buhok ko kaya agaw pansin ito.
" Sir, matutunaw na po si Miss Astra" Pabirong wika naman ni Kevin.
Sinamaan naman niya ito ng tingin at walang Sabi Naman siyang umalis.
" Tara na po" wika naman ni Kevin at inalalayan naman niya si Mayaki.
Si nanay naman ay hawak hawak ko. Nang nasa gilid na kami ng sasakiyan ay pinapasok naman nila agad si nanay at ganun din naman si Mayaki. Papasok na sana ako ng bigla naman akong tawagin ni kuya borj.
" Astra!!"
Napalingon Naman agad ako sa gawi niya.
" Sandali lang po manong driver ha, kakausapin ko lang Siya"
Tumango lang naman Ang driver Sakin at agad Naman akong umalis at nag tungo Naman agad ako sa kinaroroonan ni kuya borj.
" Anong ginagawa mo diyan? sino ang mga yan?" Tanong naman niya Sakin.
" Kuya, sasabihin ko nalang po sa iyo pag nakabalik ako Dito. Sobrang Kailangan ko po kasi ngayon na sumama sakanila para sa treatment ni nanay at ni Mayaki" wika ko naman.
Kumunot Naman Ang noo niya.
" Diba nangako na si Andre sa iyo. Bat Kailangan mo pang sumama sa mga yan baka mga delikadong tao ang mga yan mapapahamak pa kayo" sambit ni kuya habang seryusong nakatingin Sakin.
bumuntong hininga naman ako.
" Kuya, pasensya na po pero pag hinintayin ko pa po si Andre baka mas lalong lalala Ang kalagayan ni Mayaki. " nakayukong tugon ko.
Rinig ko naman Ang pag buga niya ng hangin. Ginulo naman niya Ang buhok ko.
" Sige mag ingat ka dun, pag sinaktan ka o may nangyaring masama sa iyo tawagan mo nalang ako" wika ni kuya Sakin.
tumango naman ako at yumakap sakaniya ng mahigpit.
" Astra! don't make me wait"
Kumalas naman agad ako sa pagkakayakap kay Kuya borj, kumunot Naman Ang noo niya ng Makita Niya si Akio.
" Sige kuya aalis na po ako!" wika ko Naman.
Di ko na hinintay ang sasabihin niya agad agad Naman akong umalis, pipigilan Niya sana ako ngunit nakapasok na ako sa loob ng kotse ni Akio.
Sila nanay Naman ay nasa kabilang kotse lang at safe naman Sila dun.
Inayus ko naman Ang upo at hindi ko man lang binalingan ng tingin Ang lalaki na laging salubong Ang kilay.
" I don't want to see you hugging another guy"
Bigla Naman akong napalingon sakaniya at kumunot Naman Ang noo ko.
" At bakit?"
" Baka may kakita sayo, alam mo naman diba na may reputasyon akong pinoprotektahan kaya bawal ka makipag usap sa ibang lalaki "
Bumuntong hininga naman ako at nag kibit balikat nalang. Hindi ko alam kung ano itong pinasok ko Basta lang maging maayus Ang Kapatid at nanay ko ay ayus lang ako, titiisin ko nalang lahat kung ano man ang kinalalabasan nito.
Ilang minuto kaming nasa byahe at di na ulit nag salita si Akio, Di na ako nag sir sakaniya. Okay lang Naman siguro yun. Mula Dito sa mamahaling sasakiyan niya ay tanaw ko naman Ang malaking Bahay na Akala mo ay Palasyo.
Naawang Naman Ang labi ko sa sobrang mangha, mas lalo naman akong nagulat ng bumukas ang malaking gate at nakapasok na kami ng tuluyan sa loob.
Malawak ang paligid, may sariling parke, malaking Pool, Garden at mahabang paradahan ng kotse.
Ilang milyon kaya Ang nagastos ng lalaking ito sa pag papagawa ng Bahay niya, kahit siguro isang buwan akong mag lalakad Dito ay di ko ito malilibot mukhang Kailangan ko pa gumamit ng mapa para matuntun ang kwarto ko.
Bumalik lang ako sa wisyo ng malakas na sinara ni Akio ang pintuan ng sasakiyan niya, agad agad Naman akong bumaba dahil binuksan ni Kevin ang bintana.
" Welcome Miss Astra" wika naman niya Sakin.
ngumiti naman ako at tumango, bumaba na din ang kapatid at nanay ko kaya sabay na kaming nag tungo sa Gintong double door.
Nang makapasok kami ay nakabukas naman Ang mga bibig namin, sobrang Ganda at ang Sahig nila ay parang salamin sa sobrang linis.
" What the h*ck!! Kuya, why you bring such a creep here in our house!"
bigla naman akong napatingin sa babaeng mala diyosa, nakatayo siya sa baba ng hagdan at naka suot ng mga mamahaling damit.
" zip your mouth or I will. This is my guest respect them!" maawtoridad at malamig na wika niya.
Siguro ay Kapatid niya ito pero mukhang maldita.
" Ahh!! Whatever. By the way kuya, aalis muna ako pupunta ako Kay ate Valeen. After all, siya parin naman Ang fiance mo" wika niya habang nakangiti ng nakakaloko Kay Akio.
Nakita ko naman na ikinuyom ni Akio ang kaniyang kamao.
" Shut up Lacey!"
Di naman ito pinansin ng babae at agad na tinalikuran ang kuya niya binangga niya pa ng bahagya ang balikat ko.
Sinundan ko nalang ito ng tingin, pasalamat siya at nasa teritoryo niya ako.
" Iakyat niyo na Sila sa itaas!" Malamig na tugon nito sa mga maid.
Aligaga namang lumapit Sakin Ang isang babae na kaedad ko lamang.
" Tara na po miss" wika niya naman at inalalayan naman niya ako papunta sa itaas.
Nakasunod lamang Sakin ang iba pang maid at ang nanay at Kapatid ko kaya kampante Naman ako.
" Miss, talaga bang pumayag ka sa gusto ni Mr. Ventura, sana naman wag mo itong pagsisihan " wika naman niya.
Kinabahan naman ako pero di ko ito pinahalata .
" B-bakit ano ba siya?"
"Basta, mag ingat ka nalang at tatagan mo ang loob mo" sambit niya at di na ulit siya nag salita.
Pala isipan naman Sakin Ang lahat kaya nanatili nalang akong tahimik.
Malalaman ko din yan at sana nga ay di ko pagsisihan na pumayag akong sumama sakaniya.