Andito ako ngayon sa kwarto inaayus ang Sarili dahil Sabi nga ng bakulaw na yun ay may pupuntahan kami. Hindi ko alam kung Anong klaseng pagdiriwang ang pupuntahan namin.
" Ate, Ilugay mo nalang yang buhok mo." komento naman ni Mayaki Sakin.
Andito kasi siya sa kwarto ko dahil wala daw siyang kausap, si nanay naman ay tahimik lang daw at parang malalim ang iniisip. Nag aalala ako para sakaniya.
" Mayaki, pakibantayan ang nanay. Papakainin naman kayo Dito at aalagaan. Maging mapag matyag sa paligid ha, wag masyadong mag tiwala sa mga tao Dito" sambit ko at tumango naman siya Sakin bilang tugon.
Kahit ako ay hindi ako Basta basta nag titiwala sa Akio na ito. Alam kong may tinatago itong lalaki na ito at malalaman ko din ang lahat ng yun. Nang matapos na ako sa pag aayus ay inayus ko na din ang mga nakakalat na mga gamit.
" Aalis na ako, Ikaw na bahala Kay Nanay tawagan mo nalang ako pag may emergency" sambit ko Naman.
Tumango naman siya bilang tugon sa sinabi ko. May binigay kasi ako na keypad phone sakaniya kasi alam kong magagamit niya ito.
Tiningnan ko naman sa salamin ang ayus ko, Itim na dress na Hanggang tuhod at hapit ito sa katawan ko kaunting kolorete lang din ang nilagay ko sa Mukha at naka sandal lang ako.
Lumabas na din ako kasabay ko si Mayaki, nag paalam na din ako Kay Nanay tiyaka ko tinahak ang hallway papunta sa office ni Sir Akio.
Ngayon palang ay kinakabahan na ako at nahihiya, di Naman na bago Sakin na humarap sa maraming tao pero ngayon lang ako haharap sa media kaya sobrang nahihiya na ako.
Dahil sa lalim ng iniisip ko ay di ko namalayan na nalampasan ko na pala Ang office ni Akio. Babalik na sana ako pero bigla nalang ako nagulat ng may humawak sa bewang ko.
" Hinahanap mo ba ako"
bigla naman akong napatingin sa nag salita at humawak Sakin. Kumalas agad ako ng Makita ko ang namumungay na mga mata ni Akio.
Natawa naman siya ng bahagya.
" Aalis na ba tayo?" pag iiba ko sa usapan.
Ayaw na ayaw ko Ang hinahawakan ako, umiinit ang ulo ko.
" Hihintayin muna natin si Kevin at si lacey." bahagyang wika niya.
Di man lang niya ako tinapunan ng tingin siguro ay napapangitan siya sa suot ko. Bago lang naman ang damit na ito, binili ito ni kuya borj Sakin para sana gagamitin ko sa meeting namin.
" Ohh!! talaga kuya? kinareer mo na talaga ang pagiging fake husband mo Dito sa cheap girl na ito!"
napatingin naman ako sa biglang nag salita mula sa likuran ko.
" If you don't say anything nice to my Fake wife just shut up Lacey!" Malamig naman na wika ni Akio sakaniya.
Inirapan lamang siya ng Kapatid niya at masama naman niya akong tinitigan.
" You! " sambit nito at tiningnan ako mula ulo Hanggang paa " Buy some expensive dress pag nakuha mo na ang Pera mo Kay kuya, nangangamoy basura ka Kasi"
Ikinuyom ko naman ang kamao ko ng dahil sa sinabi niya, gusto kong sapakin ang Mukha ng babaeng ito. Kinalma ko nalang ang Sarili ko dahil hindi pwede na saktan ko 'tong babae na ito dahil Kapatid siya ng Fake husband ko.
" Tara na, don't mind her astra"
Agad naman niya akong hinila palayo Kay Kevin at sa Kapatid niyang bruha. Di Niya akong tiningnan at diretso lamang siyang nag lakad habang hawak hawak Ang kamay ko.
Ilang minuto lang kaming nag lalakad at nakarating naman agad kami sa parking lot.
Nauna na siyang pumasok at di man lang ako pinagbuksan, ako nalang ang nag kusa nakakahiya naman sa isang Akio Zeus Ventura.
" Let me buy you a new dress, itapon mo na yan"
sambit niya at Pinaharurot naman niya agad Ang sasakiyan papunta sa kung saan man.
" H-hindi, bigay to Sakin ni Kuya borj--"
" Well, I don't care kung sinong nag bigay sayo niyan. Ang importante ay Hindi mo ako ipapahiya sa mga taong nandun" wika nito Sakin.
Tiningnan niya naman ang relo na nasa kamay niya.
" May 50 minutes pa tayo" wika Niya at binilisan Naman Niya Ang pagpapatakbo ng kotse.
Para akong mahihimatay dahil sa sobrang bilis niyang mag patakbo, Walangya! parang may 50 lives ata ang lalaki na ito.
Nang makarating na kami sa isang malaking boutique ay bumaba naman agad siya, bumaba na din ako dahil Wala Naman siyang planong pag buksan ako ng pinto.
Nang makalabas ako ay tumingala naman ako at Nakita ko naman ang pangalan ng boutique na ito.
" Ventura Boutique" Sambit ko.
Siya pala ang may Ari nito, talaga namang Makapangyarihan Ang lalaking ito.
" Anong tinatayo tayo mo diyan, pumasok kana!" inis niyang wika kaya nag mamadali naman akong pumasok.
Sinalubong Naman ako ng Tatlong bakla at Dalawang babae.
" Maganda naman siya sir, konting polish nalang ito" wika naman ng bakla at pinaupo naman niya ako sa harap ng salamin.
Di naman siya sumagot at umupo na lamang.
Nasa harapan ko lang si Akio nag babasa ng magazine. Minsan siyang sumusulyap Sakin kaya naman nagtataka ako.
" Ayan, mas maganda kana!" wika naman ng bakla Sakin.
tiningnan ko Naman Ang Sarili ko at mas maayus nga Ang kolerete na nasa Mukha ko ngayon.
" Salamat " sambit ko Naman habang nakangiti.
" O siya, mag bihis kana dun para Hindi na mainip Ang gwapo mong Asawa" sambit naman ng bakla na ito.
Di nalang ako sumagot at tumayo na ako tiyaka ako pumunta sa dressing room.
Binigay naman Sakin ng babae ang kulay pulang damit at pulang high heels. Agad ko naman itong sinuot at ng matapos na ako ay lumabas Naman agad ako.
" Sir, tapos na po ako"
Bigla Naman siyang tumingala Sakin. Matagal bago siya umiwas ng tingin nakaawang pa ang bibig Niya na nakatingin Sakin.
" L-let's go." utal niyang wika at agad Naman siyang tumayo tiyaka lumapit Sakin at hinawakan ako sa bewang.
" Don't call me sir in public" kalmadong wika nito at nag simula na kaming mag lakad paalis.
Di ko naman siya sinagot at sumunod nalang ako sakaniya.
Dali dali naman kaming sumakay sa kotse at nag tungo na sa venue ng party.
Nang makarating kami ay baba na sana ako ngunit Pinigilan niya naman ako.
"Pagbubuksan kita, Act as my wife " wika nito
Bumuntong hininga naman ako tiyaka tumango ng bahagya.
Lumabas Naman siya at nag simula na akong kabahan ng husto.
Potek! ano ba naman itong pinasukan ko. Nang bumukas ang pinto ng sasakiyan ay agad namang inabot ni Akio ang kamay niya at tinanggap ko naman ito.
Nang maka baba na ako ng tuluyan ay ngumiti naman ako agad.
Gusto ko nalang mag palamon sa lupa dahil sa sobrang daming naka tutok samin na camera.
" Act cool" paalala ni Akio Sakin.
Di Naman ako sumagot at nag simula na kaming nag lakad sa red carpet. Nasa itaas na kami at Papasok na sa Pinto ng may bigla namang lumapit na babae samin.
" Mr. Ventura, sino po ba itong kasama mong magandang babae?" tanong naman niya at agad na inabot ang mikripono Kay Akio.
" This is My wife, Astra Leive Constana" sambit niya.
Ngumiti naman ako ng pilit, mag tatanong pa sana Ang babae ngunit hinarang na Sila ng security.
Nag patangay na lamang ako sakaniya at ng makapasok Naman kami sa loob ay bigla namang binaling ng mga taong nandun sa loob Ang tingin nila.
" Acknowledging the presence of the CEO of Ventura Company. Let's all welcome Mr. Akio Zeus Ventura and with the Gorgeous lady...who is she? " sambit naman ng host.
Lahat tuloy ng tingin ay nasa Sakin, ngumiti naman ng matamis si Akio at agad na hinawakan Ang kamay ko. Ngumiti nalang din ako dahil ayukong mapahiya itong bakulaw na ito.
Nang makarating kami sa entablado ay agad naman siyang nag salita.
" She's my wife"
" My Astra Leive Constana Ventura " pag kasabi niya sa pangalan ko ay para naman akong natutunaw.
nanghihina ako, Hindi ko mapaliwanag Ang nararamdaman ko.
" Lovely couple, congratulations Mr. Ventura and Mrs. Ventura "
" Smile" bulong niya Sakin kaya ngumiti naman agad ako.
"Thank you" sambit ko naman sa host at bumaba Naman agad kami.
Nag tungo na kami sa isang lamesa kung nasaan si Kevin at lacey.
" Psh, cheap " sambit niya pagka upo ko.
" Shut up o ibabalik kita sa U.S"
Natahimik naman agad si Lacey at Hindi na pinansin Ang kuya niya.
Tahimik na ulit ang table namin at tanging Music lang ng venue Ang naririnig namin.
" Hello Lacey"
bigla naman akong napatingin sa babaeng lumapit Kay lacey, maganda ito parang model.
" Ate Valeen" agad namang yumakap Ang Kapatid ni Akio.
Hindi makatingin si Akio sa gawi ng babae marahil ito Ang ex niya.
" Do you need anything love?" biglang sambit ko habang nakangiti sakaniya ng matamis.
Nakita ko Naman na natigilan si Valeen at si Lacey, nakatingin na Silang dalawa Sakin.
Nakuha Naman agad ni Akio ang balak ko kaya agad Naman siyang ngumiti Sakin.
" No love, Being with you is enough" wika nito at agad Naman niyang kinurot Ang pisngi ko.
Uminit naman ito kaya di ko na maitago ang pamumula ng pisngi ko,mestiza pa naman ako.
" I-i should go lacey, see you later" malamig na tugon ni Valeen at dali dali na siyang umalis.
" Good job"
bulong Sakin ni Akio, ngumiti nalang ako at di na siya sinagot.
Psh, pang pa selos lang pala role ko sa mundo, nakaka walang gana tuloy.