Masakit pa ang katawan ko dahil siguro sa sobrang pag sayaw ko kagabi, 2 am na kami nakarating ni Akio sa mansion nila.
" Goodmorning Miss Astra, gising na po kayo may pupuntahan daw po kayo ni Mr. Ventura"
Nag mulat naman ako at kinusot kusot Ang mata ko.
Nabigla Naman ako ng Makita ko ang mga pagkain na nakahanda na.
" B-bakit niyo dinala dito ate pwede namang sa kusina nalang ako kakain" wika ko Naman habang naiilang.
Ayaw na ayaw ko talaga na pagsilbihan ako ng sobra, gusto ko na ako lang Ang gagawa ng lahat pag kaya ko.
" Utos po ito ni Sir" wika Naman Niya habang nakangiti.
" Parang nahahalata kong napapalapit na siya sa iyo, mabuti at di ka niya sinasaktan"
Kumunot Naman Ang noo ko ng dahil sa sinabi niya.
" Bat Naman Niya ako sasaktan?"
Ngumiti nalang siya ng matamis Sakin at di Niya na ako sinagot.
Nanakit ba ng babae si Akio? Bakit Naman Niya gagawin yun.
" Hindi mo alam kung sino yang lalaki na yan Miss Astra. " lumilingon lingon pa ito bago bumulong Sakin.
" Brutal yan sa mga babae na dinadala niya Dito, Ang iba ay kinukulong niya" sambit niya na nag pa gimbal Sakin.
" Bakit naman niya gagawin yun?" Tanong ko Naman.
" Ang usap usapan ay dahil sa Ina nito" wika Niya Naman.
Mag tatanong pa sana ako ngunit bigla namang bumukas ang pinto.
" Lumabas kana Martha, hayaan mo na siya "
Napatingin Naman ako sa nag salita at Nakita ko Naman si Kevin, nakakunot ang noo niya.
nag paalam Naman agad Sakin si ate Martha.
Pala isipan Sakin Ang sinabi niya, gagawin ba Sakin ni Akio ang ginawa niya sa mga babae Niya noon? yun ba Ang dahilan kung bakit siya iniwan ni Valeen?
Ang daming katanungan Ang namumuo sa utak ko kaya naman ay di ako makakain ng maayus.
" Bilisan mo na diyan, nag hihintay na sa iyo si Mr. Ventura Wag mong pag hintayin Ang isang Akio Ventura " Seryuso Naman niyang wika sakin.
Inirapan ko nalang si Kevin at agad na nag mamadali na naligo tiyaka nag ayus na din ako, nag suot lang ako ng plain white shirt at jeans tiyaka naka sapatos.
Nag liptint lang ako at nag pulbo, Wala na Dito si Kevin marahil ay nasa opisina na siya ngayon ng amo Niya. Lumabas na muna ako at nag tungo sa kwarto nila nanay at Mayaki.
" Nay, Mayaki" tawag ko Naman Dito.
" A-anak?" Agad ko namang pinuntahan si nanay na naka upo sa kama, mukhang malungkot ito. Mas matamlay naman si Mayaki kaysa noong nasa Bahay pa kami.
" Anong nangyayari sayo Mayaki? okay ka lang ba mukhang mas nanghina ka " wika ko naman habang nag aalala.
Di nalang kaya ako sasama Kay Akio, mukhang Kailangan ako ng Kapatid at nanay ko.
" Anak, hindi nasanay si Mayaki sa Environment e. Nahihirapan din akong mag adjust kahit na naalagaan Naman kami Dito at may mga nurse na pumupunta para suriin kami pero Hindi talaga yun nakakatulong"
Bumuntong hininga naman ako at namomoblema, siguro ay ibabalik ko nalang Sila nanay sa Bahay at pupuntahan ko Sila Kuya makikisuyo ako na alagaan nila si nanay dahil Kailangan ko munang tapusin ang trabaho ko Dito kay Akio. Pag nakuha ko na ang Pera ay ako nalang ang mag papagamot sa nanay ko.
" Astra!"
nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto, iniluwa naman si Akio na Galit na Galit.
Agad ko namang binawi Ang pagka gulat ko at tiningnan ko Naman siya ng diretso.
" Di nalang muna ako sasama, Kailangan Kong iuwi Sila nanay sa Bahay" wika ko Naman.
kumunot Naman Ang noo niya ng dahil sa sinabi ko.
" At sa tingin mo makakabuti yun sakanila--"
" Oo" sambit ko at di ko na siya pinatapos mag salita.
" Mas Lalo lamang Silang nanghihina Dito dahil siguro sa hindi magandang environment, hayaan mo na ako sa desisyon ko. May mga tao Naman na mag aalaga sakanila dun Ako na Ang bahala" wika ko naman.
Lumapit naman siya Sakin at humawak na Naman ito sa bewang ko, naiinis ako sa lalaking ito sa tuwing hahawakan Niya Ang bewang ko.
" pwede ba tigilan mo nga yang kakahawak mo sa bewang ko" bulong ko namang wika dahil nakikinig si nanay samin.
" Astra okay ka lang ba, uuwi nalang tayo anak ayuko na Dito. Kaya ko Naman dun sa Bahay natin" wika Naman ni Nanay.
Agad Naman akong kumalas sa pagkakahawak Sakin ni Akio at umupo ako agad sa kama at hinawakan Ang kamay niya.
" Uuwi po tayo nay, wag po kayong --"
" Wag na po kayong umuwi nanay, gagawan ko nalang po kayo ng simpleng Bahay sa gilid ng mansion ko. Para makapag libot libot kayo at maalagaan kayo ng mabuti" wika nito habang Hindi makatingin samin.
" Wag na iho, sobra sobra na ang ginagawa mo"
" No, I insist. Ipapagawa ko po ngayon din ang bahay para sa inyo" wika naman niya.
Nabigla Naman ako ng dahil sa ginawa niya, mas nalilito pa tuloy ako ngayon dahil mukhang mabait naman itong si Akio.
Bumalik Naman ako sa wisyo ng biglang tumikhim si Kevin.
" Di pa po ba tayo aalis Mr. Ventura?" Tanong naman ni Kevin habang nakangiti ng matamis Sakin.
Kumunot Naman Ang noo ko at inirapan siya.
" Nay, Hihiramin ko po Ang anak niyo. Pupunta lang po kami sa bago niyang paaralan" Paalam Naman Niya Kay Nanay.
Tumango lang si nanay habang nakangiti, si Mayaki Naman ay nakatitig lang Sakin.
Nilapitan ko Naman ito at hinalikan sa noo.
" Babalik si ate ha, mag kwekwentuhan Tayo Mamaya" wika ko Naman.
Tumango naman siya at nag palaam na ako sakanila.
Sumunod Naman ako sa dalawang lalaki na nasa harapan ko, nag uusap Sila ng business business kaya Hindi nalang ako nakinig sakanila.
Nang makarating na kami sa parking lot, bubuksan ko na sana Ang pinto ngunit nabigla Naman ako ng sabay nilang hawakan ni Kevin at ni Akio ang pinto ng Sasakiyan.
" Ako na " Maawtoridad na wika ni Akio kaya hinayaan Naman siya ni Kevin.
Bumukas Naman ito at Naiilang Naman akong pumasok sa loob.
Anong nakain ng lalaking ito at naging gentleman bigla.
Pumasok Naman din siya sa loob at umupo sa gilid ko, Pinaandar Naman agad ni Kevin ang sasakiyan at Pinaharurot na niya ito.
Di Naman ako nag sasalita at ganun din si Akio, buryo Naman akong nakatingin sa labas. Bigla ko namang naalala na kailangan ko palang itext Sila Kuya baka nag aalala na Sila Sakin.
Kinuha ko Naman Ang cellphone ko at agad na nag text pero di Naman ito na send dahil naubos na Ang load ko kaya agad ko namang binuksan Ang messenger ko at active Naman si kuya.
" Kuya, Kumusta kana po diyan. Kami Dito ay okay lang Naman Ang kalagayan namin sana po di kayo Galit sakin. Love you kuya mwa mwa!"
Nakangiti ko Naman itong sinend, nabigla naman ako ng hablutin ni Akio ang cellphone ko at binasa Ang chat ko Kay kuya borj.
" Is he your biological brother? " nakataas na kilay nitong tugon.
umiling naman ako.
" Then stop sending him a sweet message" malamig na tugon nito Sakin.
Umirap Naman ako at Hindi ko na siya sinagot.
Ilang minuto pa Ang lumipas ay nakarating na kami sa labas ng paaralan, mula Dito tanaw na tanaw ko Ang sobrang laki at lawak nito.
" Huazon International School"
Pagkakita ko palang sa pangalan ay nagningning na ang mga mata ko dahil isa ito sa pinaka sikat na paaralan, Ang mahal ng tuition Dito. Kahit pa ata magkaroon ako ng Lima o sampung part time job ay di ko parin mababayaran Ang tuition fee Dito.
" Hey,ano? tatayo ka nalang diyan?"
agad naman akong bumalik sa wisyo at agad na sumunod sa dalawang lalaki, hinawakan Naman ni Akio ang kamay ko.
" Bitawan mo nga Ang kamay ko nakakailang madaming studyante Dito" wika ko Naman sakaniya.
nasa malaking hallway kami nag lalakad, maraming estudyante na nakakalat dito nag eenroll din siguro Sila.
" Hello Mr. Ventura, nice to see you once again, hinihintay na po kayo ng Dean" wika naman ng magandang babae.
para siyang anghel na bumaba sa lupa dahil sa taglay nitong ganda.
Sumunod nalang kami sakaniya at agad na nag tungo sa Dean's office, Nasa first floor lang ito kaya Hindi na kami nahirapan.
Nang makapasok naman kami sa loob ay sinalubong Naman Niya si Akio ng yakap.
" Akio, Iho"
" Ninang kumusta na?" wika Naman Niya.
Nag kwentuhan Naman Silang dalawa ako Naman ay nilibot Ang tingin sa buong opisina ,maganda at maaliwalas ito.
" Astra"
Bigla Naman akong napatingin kay Akio at nakakunot Ang noo niya na nakatingin Sakin.
" Sorry hehe" wika ko Naman habang nakangiti sakanila.
" Iha, Ipagpatuloy mo pa ba ang pagiging Accountancy mo?" Tanong nito Sakin.
Tumango naman ako bilang tugon sa Dean.
" Okay, ilalagay kita sa Section A dahil may tatlong Section Ang accountant. Next day na Ang pasukan, Ipapadala nalang namin Ang uniform at I.D mo" wika nito Sakin.
Tumango naman ako at nag pasalamat sa ninang ni Akio.
Maya maya pa ay nag paalam na din kami dahil may pupuntahan pa daw itong bakulaw na lalaki.
Nauna na akong lumabas dahil nag c.r muna si Kevin at Akio.
" Sh*t"
Nanlaki Naman Ang mata ko at agad na pinulot Ang mga test paper.
" Sorry po, pasensya na po" wika ko Naman at ng makuha ko na lahat ay inabot ko Naman sa nabangga Kong lalaki.
Nabigla Naman ako dahil sobrang gwapo Niya literal na nakakalaglag ng panga.
" Are you okay miss?" Tanong naman niya Sakin.
ngumiti naman ako sakaniya.
" Sorry po sir" sambit ko Naman.
Ngumiti naman siya at Lumabas Naman Ang dimple Niya. Kinilig Naman ako dahil sobrang cute niya.
" Excuse me pretty" wika nito at kinurot naman niya Ang ilong ko.
Sakto Naman at lumabas si Kevin at Akio. Diretso lang na pumasok Ang lalaki at sinundan ko Naman ito ng tingin.
" Tsk. Close your eyes lady o ako ang gagawa!" hinila Naman Niya ako agad.
di naman ako makareact dahil distracted ako Kay sir. Sa tingin ko ay crush ko na siya.
Nakaka motivate naman mag aral sa H.I.S