" ASTRA LEIVE CONSTANA POV" Isang Araw na Ang nakalipas pero Yung Galit at kahihiyan na ibinigay Sakin ni Valeen at Lacey ay nanatili parin. Gusto ko ngang sipain si Valeen pero di ko magawa baka kasi sa kulungan Ang bagsak ko. " Ma'am, andito na po Ang pagkain mo" sigaw Naman ni ate Martha. " Paki pasok nalang po, salamat" Simula kahapon ay Hindi na ako lumabas sa kwarto ko pinapakalma ko Ang Sarili ko, tanging si softie at ate Martha lang Ang pinahintulutan ko na makapasok sa loob ng kwarto gustong gusto ni Akio at Kevin namakapasok at maka usap ako pero di ako pumayag mainit pa Ang ulo ko. Si Mayaki Naman ay tinatawagan ko nalang nandun Naman si nanay para di siya matakot. bumuntong hininga na lamang ako dahil Hindi parin nawawala sa isip ko Ang ginawa nila kahapon. "FLASHBACKS"

