" AKIO ZEUS VENTURA POV" Andito ako sa labas ng kwarto ng Asawa ko inaabangaan ko siya na lumabas dahil kakausapin ko siya and we'll work things out, napag usapan namin ni Kevin na Kailangan ko munang makasama si astra para Malaman ko kung sino ba talaga Ang mahal ko. Litong Lito ako sa kung ano Ang gagawin ko. Nang bumukas na Ang pintuan ni astra ay agad Naman akong umayos ng tayo. " Wife...." sambit ko habang nakatingin sakaniya ng seryuso. " Anong sadya mo?" walang gana nitong sagot Sakin. Hindi ko alam Anong nangyayari sakaniya pero isa lang Ang alam ko Wala siya sa mood ngayon. Tumikhim naman ako bago nag salita, sabi kasi Sakin ni Grandma na masungit daw Ang mga babaeng buntis" Ihahatid na kita, gutom ka ba? Anong gusto mong kainin?" Tanong ko Dito, di Naman Niya ako sinagot k

