CHAPTER 7: FIRST DAY OF SCHOOL

1638 Words
Maaga akong nagising dahil first day of school namin ngayon, nakakahiya naman kung male-late ako. Nakasuot na ako ng uniform at handa na din ako. " Sana naman ay di ako mag mukhang katawa tawa sa paaralan na yun, andun pa Naman si crush!" Wika ko Naman sa Sarili ko. Agad ko namang kinuha Ang cellphone ko at nag chat na ako Kay kuya borj, lagi ko siyang inupdate sa mga nangyayari sakin bilin Kasi Niya Sakin na lagi akong mag u-update Sakaniya para di siya mag alala. Pagkatapos ay agad Naman akong nag tungo sa kwarto nila nanay para mag paalam. " Ang ganda Ganda mo po talaga ate, Kailan kaya ako makakasuot ng ganiyang uniform" wika Naman ni Mayaki. Para namang kinurot ang puso ko dahil sa sinabi niya, simula nangyari ang aksidente na iyon Hindi na naging normal Ang Buhay Niya. " Mag pagaling at mag palakas ka dahil ipapasuot ni ate sayo Ang lahat ng ito at ibibigay niya lahat ng gusto mo. Kaya ako nag sisikap at Hindi napapagod para sa inyo ni nanay. Wag Kang malungkot dahil hindi pa natutupad Ang pangarap mo ngayon, God will do everything and put him always in the center of your life. Don't think about your future instead pray for it and do your best in the present " wika ko Naman habang nakangiti sakaniya at kinurot ng bahagya Ang pisngi niya. " Tatandaan ko yan, grabe sobrang nakaka inspire Ang mga sinasabi mo!" Napatingin Naman ako sa biglang nag salita mula sa likuran ko, Nakita ko naman si Akio, seb at Kevin. " Let's go, Maaga pa Ang meeting ko" wika Naman ni Akio habang seryusong nakatingin Sakin. Bumuntong hininga naman ako at nag paalam na kina nanay, humalik muna ako at yumakap sakanila bago umalis. Si Seb Ang kasabay ko habang Yung dalawa ay nasa unahan namin. " Lagi mo ba yang ginagawa, Yung hahalikan at niyayakap mo Ang Mommy at Kapatid mo. Di ka ba nag sasawa lagi mo Naman Silang nakakasama at nakikita?" wika Naman Niya. umiling Naman ako at ngumiti sakaniya. " Alam mo Kasi, Hindi mo alam kung Kailan mo Sila ulit mahahalikan at mayayakap. Habang andito pa Sila ay sulitin mo na, Aba! bago mo ba gagawin Ang lahat ng yun kung Wala na Sila" wika ko Naman. Napa isip Naman si Sebastian. " Sabagay may point ka" wika Naman Niya. Iiling iling na lamang ako, agad agad Naman kaming pumasok sa kotse. Nasa gitna ako ni Akio at Sebastian kaya nakakailang, di Naman bago Sakin na makatabi ng lalaki pero nakakailang Kasi ito di ako sanay sa mga Kasama ko. " First year ka lang pala, pero Ang Ganda Ganda mo, no wonder nabihag mo Ang ul*l kong pinsan na yan!" wika Naman ni seb. Sinamaan naman siya ng tingin ni Akio. " at bakit, pero pre mahilig ka pala sa Bata di mo sinabi Sakin" wika Naman Niya habang tatawa tawa. Inis na inis Namang tumingin si Akio sakaniya. " Will you shut up, sana di ka nalang sumama" wika Naman ni Akio. " Di mo ako natitiis e, syempre sa lahat na mag pipinsan ako lang ang Pinaka gwapo" wika naman ni seb. Sinakyan ko naman ang kalokohan niya. " Agree, mas gwapo ka pa nga kesa Kay Akio" wika ko Naman habang tatawa tawa. " Pag ba di mo unang Nakita si Akio, may chance ba na ako Ang mapapangasawa mo?" Tanong nito. Natawa Naman ako ng dahil sa sinabi niya. " Siguro oo, gwapo ka at maganda Ang humor mo you're so funny!" wika ko Naman. Bigla namang hinawakan ni Akio ang bewang ko at hinigpitan ito ng hawak. " Aray! nasasaktan ako" wika ko naman. Bumulong naman siya Sakin. " Masasaktan ka talaga pag di ka tumigil kakalandi diyan sa pinsan ko!" wika naman niya Sakin. Pwersahan ko namang kinuha Ang kamay niya at hinigpitan ko din ito ng hawak. Tiningnan ko Naman siya sa mga mata niya at ngumisi. " Neknek mo!" wika ko " Seb Dito ka nga sa tabi ng pinsan mo" wika ko Naman. " Special request ng magandang tulad mo ay susundin ko agad yan, syempre Ikaw na yan e!" wika Naman Niya sabay kindat Sakin. " Subukan mo lang Sebastian na umupo Dito sa tabi ko, di ako mag dadalawang isip na balian ka ng buto!" Malamig at seryusong wika Niya. " Wag na lang pala!" wika Naman ni seb at agad na sumandal sa Upuan. Tiningnan ko Naman ng masama si Akio. " Bakulaw!" wika ko. mag sasalita pa sana siya ngunit nakarating na kami sa paaralan ko. Bumaba Naman ako agad at nag pasalamat Kay Kevin at Sebastian. " Bat di ka mag pasalamat Sakin? ako ang Asawa mo!" wika nito habang nakataas Ang kaniyang kilay. " Psh, manigas ka diyan!" May sasabihin pa sana siya ngunit Nakita ko Naman si softie at agad Naman akong tumakbo papunta sakaniya. " Softieee!!" sambit ko habang nakangiti ng malapad sakaniya. Sinalubong Naman Niya ako ng yakap, may mga kasama siya isang babaeng kulot Ang buhok at lalaking matangkad , gwapo at naka eye glasses. " Ayy, hinatid ka pala ni Sir Ventura." wika Naman ni softie. Tumingin naman ako sa likuran ko at nakatayo parin siya dun masama ang tingin Sakin. " Hayaan mo na yan" wika ko nalang. " By the way this is, Georgina Pearly Gonzales and John Rose Natividad " " Hi frenyy!! " sigaw naman ng lalaki. Napangiwi Naman ako dahil bakla pala siya, gwapo pa naman. Yumakap Naman ako sakaniya at nakipag beso beso. " Hi Georg-" " Joji nalang" wika nito at niyakap din ako. " Tara na, male-late na Tayo" wika Naman ni softie. aalis na sana ako ngunit bigla namang may humawak sa kamay ko. Napatingin Naman ako at Nakita ko Naman si Akio na salubong Ang kilay. " Love, your card. Good luck!" wika niya at agad Naman Niya akong hinalikan sa labi. di naman ako nakapag react agad dahil nabigla ako, nang maproseso na ng utak ko Ang mga nangyayari ay uminit naman Ang ulo ko. Umalis Naman siyang nakangisi. Humanda ka sakin mamayang bakulaw ka! Walangya! Wala na Ang first kiss ko. " Yieee!! mamatay ako sa kilig sana ako rin may halik at Good luck sa first day of school Ang gwapo pa ng husband!!" sigaw Naman ni Joji. " Nakakainggit sana sinaksak nalang ako!" Sambit Naman ni John At bahagya pa akong hinampas. Nag tinginan Naman kami ni softie at iiling iling na lamang. Marami palang estudyante na nakatingin Samin, sobrang nahihiya ako sa ginawa ng l*tseng lalaki na yun, Gusto ko nalang mag palamon sa lupa. " Okay ka lang ba?" Tanong naman Sakin ni softie. Umiling Naman ako bilang tugon sa sinabi niya. " Nakakahiya Kasi, potek Ang lalaki na yun humanda siya Mamaya pag uwi ko sa Bahay!" wika ko Naman habang seryusong nakatingin sa unahan. Natawa na lamang si softie dahil sa sinabi ko. Nang makarating na kami sa classroom namin Ay agad Naman kaming umupo. Nakatitig Naman Sakin Ang ibang mga kaklase namin, siguro ay bago ako kaya ganito Sila makatingin sakin. " Sigurado ba talaga siya na mahal siya ni Akio Ventura, I heard Kasi na masyadong babaero Ang lalaki na yun and she's not the first girl na dinala nito sa mansion" rinig ko namang usap usapan ng mga estudyante na nag kukumpulan sa harapan. " Yeah and look at her. Hindi pa siya nangangalahati Kay Valeen, Sikat na Model yun" wika Naman ng isa pang babae. " Kaya nga, siguro ay ginagamit lang siya ni Akio Ventura or siya Ang nang gamit Kay Akio dahil halata Naman sa itsura Niya na Pera lang Ang habol Niya " " don't mind them, mga inggit lang Ang mga yan" sambit Naman ni John habang pinapagaan Ang loob ko. Ngumiti naman ako ng mapait. Bigla Naman akong nagulat ng nag text si Akio Sakin. " Don't forget to use my surname pag nag introduced ka ng name mo" Kahit binabasa ko lang Ang text message niya ay nararamdaman ko Ang talim ng titig Niya Sakin. Agad ko namang pinatay Ang cellphone ko at bumuntong hininga nalang. " Nga pala, sino ba yang mga yan?" tanong ko Naman kina softie. " Yang babae na sobrang daldal, Muse siya sa classroom siya si Yna Lorraine Pascual , Yang isa Naman ay best friend niya si Saji Riselle Fernandez, Yung isa na naka braces ay si Dianne Alice Ty at Yung naka Glasses Naman ay si Nathalia Gwen Sison" Pakilala Naman ni Joji sa mga kaklase namin na chinichismiss ang Buhay ko. Tatango tango Naman ako. Natigilan naman Silang apat ng biglang pumasok Ang gwapong nilalang. Si crush! Napangiti Naman ako ng sobrang lapad, ganito lang ginagawa ko lagi noon sa dating school pero Hindi ako nag kakaboyfriend dahil crush lang gusto ko at gusto ko na Wala akong chance sakaniya. " Ang gwapo talaga ni Professor Hamilton!" Masaya namang wika ni Joji, nakikita ko din Ang pamumula ni softie at John. Walangya kaagaw ko pa yata itong tatlong to. " So, I heard my new students tayo Dito. Mr. Ventura's wife" wika Naman niya. Inipon ko Naman lahat ng lakas ng loob ko at tumayo Naman agad ako. Nabigla Naman siya ng Makita Niya ako pero agad Naman siyang nakabawi. " The floor is yours " wika nito at agad Naman akong pumunta sa harapan. " Hello everyone, I am Astra Leive Constana Ventura. Nice to meet y'all " wika ko Naman habang nakangiti at bumalik na ako agad sa upuan ko. Nang maka upo na ako at nag salubong Naman Ang tingin namin ni Prof. Hamilton. " Nice to finally meet you Astra" wika nito habang nakangiti ng malapad. Napaisip Naman ako sa sinabi niya ngunit hinayaan ko nalang 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD