Kulot Sabado ngayon, walang pasok si Tantan. Hindi rin ako pumasok ngayon dahil wala naman akong gagawin doon saka nagpaalam naman ako kay Tantan at pumayag naman ito. Wala din sa usapan namin ni Drevon na papasok ako ng Sabado at Linggo dahil ayaw niya kong mag stay doon. Wala din kasi siya pasok ng Sabado at Linggo kaya maghapon din kaming magkikita dalawa doon sa mansyon kung sakaling pupunta ako doon at baka sabihan na naman niya kong nagpapansin na naman ako. Abala ako ngayon rito sa paglalaba ng mga damit namin ni Steve. Ako tagabanlaw at siya naman ang nagsasampay sa labas. Patapos na din kaming maglaba dahil maaga naman kaming gumising kanina. Ganito kami ng kapatid ko kapag magkasama dito sa loob ng bahay upang madali lang kami matapos sa mga gawain dito. Kalahating oras ba

