TERESA AFTER ONE WEEK "I call you later wife," paalam sa akin ni Drevon. "Ahmm.. Wait," pagpapatigil niya sa akin kaya ako huminto sa paghakbang. "Why Mr. Monteclaro? May nakalimutan ka pa bang sabihin sa akin?" Nakangiti kong tanong. Nasa loob siya ng sasakyan habang ako naman ay narito sa labas ng sasakyan. Kahapon pa ko nag-umpisang magturo rito sa school at si Drevon na din ang naghahatid at nagsusundo sa akin. "May nakalimutan ka pa wife. Pumasok ka muna saglit rito sa loob," utos niya sa akin. Napatingin ako sa hawak kong mga gamit. Kompleto naman ang aking hawak. Kumunot ang aking noo. "Ano na naman ba ang nakalimutan ko? Kompleto na kaya itong dala ko," sagot ko rito. Rumehistro sa mukha niya na tila nalungkot ito. WALA akong nagawa kundi pumasok na lang sa loob ng sasakyan n

