DREVON MONTECLARO POV Huwebes ngayon, hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpapakita dito sa mansyon. Mag-aalas siyete na ay wala pa din siya. Kakaalis lang din ng anak ko at si ate Tala ang naghahatid sa school ni Tantan mula pa noong Monday. Nagpapasalamat ako dahil hindi na siya umiiyak simula nung hindi na nagagawi rito ang mommy niya. Iyon ang sabi sa kan'ya ng mommy Teresa niya na huwag na siyang iiyak. Hindi na nga siya umiiyak dahil nangako naman siya sa mommy niya. Magtatapos siya ng pag-aaral hangga't hindi siya bumabalik dito ay magiging goodboy siya sa akin. Sinabi lahat iyon ng anak ko pati ang pag-alis niya. Narito ako sa aking silid ngayon. Hindi na ko pumasok sa trabaho dahil mag-iimpake pa ko ng ilang mga gamit ko para may magamit ako sa aking bussines trip sa Cebu. Mamaya

