KULOT Nagmamadali akong umalis dito sa mansyon dahil magsusundo pa ko kay Tantan. Malapit na kasi ang kanilang uwian kaya dapat ay on time ako sa pagsundo. Pagagalitan kasi ako ni daddy Drevon kapag nalaman niyang wala pa ako sa school ni Tantan. Dapat ay bago ito lumabas ng room ay naroon na ko. Ang teacher ni Tantan ang magsasabi sa daddy ni Tantan kapag late ako ng pagdating. Pasakay na ko sa sasakyan nang may nagtawag sa pangalan ko. Nilingon ko kung sino ito. Ngumiti ako nang makita ko si Lester. "Aalis ka na?" "Oo at nagmamadali na kasi ako. Susunduin ko pa si Tantan. Mamaya na tayo mag-usap ha." "Sure, hihintayin kita," sagot nito. Umalis na din kami agad nang matapos kong magpaalam kay Lester. Patungo na kami sa school ngayon. Bigla naman akong nakatanggap ng tawag sa hindi

