chapter 29 Nailibing na si baby Mina. Ilang araw na walang imik o kung ay umiiyak at hindi kumakain si Threena sa pangungulila at panghihinayang kay baby MIna hawak ang larawang kuha noong itong naka kanggaroo style ito sa kanyang dibdib na bilog na bilog at buhay na buhay ang mata sa larawan. "Threena mahal, kain ka muna...", alok ni Dexter hawak ang isang tray ng pagkain. Tiningnan lamang sya ni Threena at hindi umiimik. "Threena. Nawalan din ako ng anak, hindi lang ikaw. Nagluluksa din ako. Naglukuksa din kami dito sa bahay.Pero kailangan nating ituloy ang buhay. Marami kaming nagmamahal sayo", sagot ni Dexter Muli syang tiningnan ni Threena pero sa pagkakataong ito,nag-uunahang bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata . Hindi man sabihin ni Threena ang nararamdaman pero sumisiga

