Chapter 3

1179 Words
Shawn's POV "Dude ba't ba tayo nandito?" tanong sakin ni Rage. "Bibili ako ng panibagong mga damit. Mga luma na'yung nasa bahay, e." sabi ko habang nakatingin sa isang polo shirt. Wala atang bagong arrival ngayon, hindi ko gusto ang mga nandito. "s**t! Ang sexy nu'ng babae!" mahinang sabi ni Ace pero sapat na para marinig ko. Agad akong napalingon. Para bang awtomatikong nagti-three-sixty ang ulo ko kapag nakakarinig ako ng mga ganyan. Pagkalingon na pagkalingon nu'ng babae ay agad akong napakurap, hindi ko rin type. "Sayo na lang pala Sid." agad na sabi ni Ace "Ulul!" Si Sid lang naman ang ganiyan samin, siya lang ang matinong kausap. Kapag tinanong mo, sagot agad siya. Pero pagdating sa mga babae, sa aming magkakabarkada siya lang ang seryoso. Lover boy gago. Habang naglalakad kami ay napadaan kami sa lingerie stall at may nakitang 36-C na cup size ng bra, para bang automatiko akong binulungan ng masamang anghel. Pumili ako ng magandang kulay at design. Habang napili ako ay saktong dumating si Ace. "Ace anong maganda? Black o red?" tanong ko "Tangina! 'Di mo naman agad sinabi samin na bumig─ARAY!" daing nito at hinimas himas ang likod ng ulo. "Sid anong maganda?" tanong ko sabay pakita nu'ng dalawang bra na hawak ko. "Para kanino ba?" tanong niya "Basta!" natatawang sagot ko at hinintay ang kaniyang tugon "'Yung red mas nakakapang-init ang ganiyang kulay dude." seryosong sabi niya at tumalikod na sa akin "Ah sige." sabi ko at dumiretso na sa counter. "Hindi ba nahihiya si Shawn sa hawak niya?" bulong ni Rage "Ba't naman mahihiya kung para sa nanay mo naman pala ireregalo. Buti nga at alam ni Shawn yung size ng sa mama niya, e. Ang laki pala nu'ng kay Tita Shasha." komento naman ni Ace "Mga gago!" mura ko sa mga ito Pagkatapos naming mamili ay inilagay ko na sa backpack ko 'yung bra na binili ko. Papunta na kami ngayon sa KFC nang makasalubong namin si pantal at hapon. Nagde-date sila? Nang makalapit na sila na sila sa amin ay nag-uusap at nagtatawanan pa sila. Saya, ah? Napatingin naman sa akin si pantal. Sakto! Naiimagine ko na itsura nito kapag binigay ko na sa kaniya 'to. "Dating huh?" pamungad ko sa kanila Tumingin ako kay pantal! Langya talaga 'to lagi na lang pinapasaya araw ko, sarap pikunin. "None of your business Dela Cortez." kalmadong sagot ni hapon. Tss! "Dude kailan ka pa nagkainteres sa kasama ni Shinichi?" tanong sa akin ni Ace. "Oo nga Shawn." Bago pa ako sumagot ay naglakad na ako upang umalis. "Kilala mo 'yung mga 'yun Hiro?" narinig kong tanong ni pantal kay hapon "Yeah," sagot naman nu'ng hapon. "Ang ganda nu'ng babae ni Shinichi, 'no Sid?" komento ni Ace 'Yung babaeng 'yon maganda?! Kailan pa nabulag si Ace? "Oo." sagot naman ni Sid "Sayang nga lang." sabi pa ulit ni Ace "Bakit?" tanong ni Rage kay Ace na nailing-iling "Walang dibdib mga dude. Sayang, e." sagot ni Ace "Walang-wala talaga!" natatawang sabi ko naman "Ha?" napalingon sa akin si Rage na nagtataka sa reaksiyon ko "Wala!" tipid na sabi ko "Nanang Baby, pabalot nga po nito. 'Yung magandang balot po ha?" sabi ko pagkarating na pagkarating ko sa bahay. Umakyat na ko sa kwarto ko para magbihis. Nakakagago kasama 'yung tatlo, e. Wala man lang akong nabiling damit. Isang mahinang katok ang naging dahilan upang itigil ko ang pagbubukas ng butones ng aking uniporme. "Bukas!" sigaw ko "Young master, pinapatawag po kayo ng lolo niyo sa opisina niya." magalang na sabi nito sa akin "Susunod na ko." sabi ko at nagbihis muna bago bumaba "Oh?" inis na bungad ko sa matandang ito pagkapasok na pagkapasok ko ng opisina niya. Humarap siya sakin na tila mo ay isang boss na magsesesante ng empleyado niya. "May sasabihin ka ba ha?" inis na tanong ko dito Mas lalo pang kumunot ang noo ko nang ngumisi ito sa akin at hindi nagsalita. Kaya naman akmang lalabas na sana ako ng opisina niya ng may kutsilyo akong nakitang dumikit sa may pinto. The f**k! Muntik na ko du'n ah! Humarap ako sa kaniya. "Umupo ka." utos nito sakin Umupo ako at itinaas ang mga paa ko sa katapat na upuan na okupado ko. "What?" iritang tanong ko "May itatanong lang ako sayong bata ka." "Ano?" tipid na tanong ko muli sa kaniya "Gwapo ba ko apo?" Mas lalo kong naramdaman ang pagkunot ng aking noo dahil sa tanong niya sa akin. Nagsayang lamang ako ng oras dahil sa walang kwentang tanong ng matandang 'to. "Binusted kasi ako nu'ng ka-date ko kagabi, hindi raw ako magandang lalaki." pagmamaktol nito sakin na naging dahilan upang lalo akong mainis. "Buti natauhan 'yung ka-date mo. Tsk!" komento ko dito "Wala kang allowance ng isang linggo kapag 'di ka nagsabi ng totoo." pagbabanta nito sakin. Lintek! Bina-blockmail ba ko ng matandang 'to? "Oo gwapo ka na! Satisfied?" napipilitang tugon ko dito "Good!" nakangiting sabi nito "'Yung allowance ko ha dagdagan mo." paalala ko dito "Kahit gawin na nating milyones, apo." masayang sabi nito habang nakatingin sa kaniyang screen ng computer Walang sagot sagot ay lumabas na ng opisina niya. Jade's POV Lunch time na, nasan ba 'yung manyak na 'yun? Sigurado akong papagalitan ako ni Mr. Somber kapag nakita akong pagala-gala dito sa campus nang hindi ko kasama 'yun. "Oh kanina ka pa ba naghinihintay?" masayang bati nito sakin. "Bilisan mo! Gutom na ko!" sigaw ko dito Umaakyat na kami sa rooftop kasama 'yung tatlong lalaking nakita naming kasama niya kahapon sa mall. "Ace." pagpapakilala nu'ng sinasabi kong gwapong maputi. "Sid Paz." sabi nu'ng isang lalaking may hawak ng phone. "Rage nga pala, magandang binibini." nakangiting sabi nu'ng isa pang lalaki sa akin "Uhmm, Jade." sabi ko bilang pagpapakilala sa kanila. Bahagya akong agulat nang iaabot ni Ace 'yung kamay ko at nakipag-shakehands sakin. Ganu'n din sina Rage at Sid. Sabi sakin ni Ace na lima daw sila, absent nga lang daw 'yung Trick. "Nga pala ba't wala si Shinichi?" tanong ni Sid sakin "Absent daw sabi nu'ng mga kaklase niya." sagot ko at sumubo na ng kanin. "Ang takaw mo pala Jade." komento naman ni Ace. "Hindi naman. Kanina pa kasi ako gutom pero inintay ko pa tong si ma─Shawn eh. Papagalitan kasi ako ni Mr. Somber kapag 'di ko 'to kasama." nahihiyang sabi ko sa kanila "Ang astig! May bodyguard ka pala Shawn." tatango-tangong sabi ni Ace. "Gago, mutchacha ko 'yan." pang-aasar ni manyak "Kapal nito, kung 'di lang nakataya ang scholarship ko dito hindi ko kayo babantayan ni Hiro 'no." sagot ko. Yup! Nakataya ang scholarship ko dito kapag 'di ko nabantayan ng maayos silang dalawa magkakanda-leche leche na ang pag-aaral ko. Para sa scholarship ko 'to kaya kailangan ko silang bantayan. Pagkatapos naming kumain ng lunch ay bumalik na 'yung apat sa classroom nila. Tatayo na sana ako ng may isang box ng gift akong napansin. In fairness, ang ganda nang pagkakabalot ha? Umupo ako saglit at kinuha 'yung regalo. To: Jade From: Shawn Nawala ang ngiti ko sa aking labi nang itinaas ko ang hawak kong bra ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD