Bea's POV Nagpupunas ako ng pawis ko dahil katatapos lang ng performance namin, magkahiwalay kami ng dressing room ni Jade kaya hindi ko pa siya nakikita ngayon. "Bea, may nagpapabigay nito sa'yo." napatigil ako sa pagpupunas ng may iabot sakin ang isa kong ka-member na boquet ng bulaklak—blue roses. "Ngayon ko lang nalaman na may blue roses pala," natatawang sabi pa nito. "Sinong nagbigay?" tanong ko "Hindi ko alam, basta pinaabot lang sakin, e." sagot niya saka umalis. Napatitig ako sa mga bulaklak, alam ng nagbigay ang paborito kong kulay. Ilalagay ko na sana ito sa table ng may malaglag na note, kaya dinampot ko ito. 'I miss you,' Nanlaki ang mga mata ko dahil kilalang kilala ko ang sulat kamay na 'to. Hindi ako pwedeng magkamali, sakaniya ito. Isang linggo ang meron kami upan

