Shawn's POV Nakaupo ako dito sa isang bench sa field dahil hinihintay ko si pantal. Sabado ngayon at may klase pa kami, siya naman ay kinuha ang assigned project sa kaniya. "Like, oh my gosh girls. Tumingin sakin si Shawn babes, nakita mo?" malanding sigawan ng mga babae. Tss! Naiirita ako sa mga ganitong eksena, mga papansin kasi sila. Nanatili akong nakaupo at hindi pinansin ang mga haliparot na nagkalat d'yan sa tabi-tabi. Napatayo ako nang makita kong naglalakad na si pantal pababa ng building niya. Nakasimangot siyang nakatingin sakin. Problema ng baby ko? Napangiti ako sa iniisip ko. Shet 'yan. Nang makalapit siya sakin ay inakbayan ko siya. Napatingin siya sakin habang nakakunot ang noo. Cute eh! "Date tayo?" yaya ko sakaniya. "May bibilhin pa ko na gamit para sa project ko

