Jade's POV Natulala ako pagkatapos patayin ni Erin ang tawag, bumilis ang t***k ng puso ko at tila hindi ako makahinga. Sunod sunod na naglabasan ang luha ko dahil sa mga narinig ko sa pag-uusap nila Shawn at Erin. Hindi ko maigalaw ang paa ko, hindi ako makapasok ng gate namin. Syete, ayaw magresponse ng katawan ko, tanging mga mata ko na lang ang sinusunod ng utak ko ngayon. Para bang sinasabi ng utak ko na, kailangan kong hintayin si Shawn dahil pupuntahan niya ako ngayon. Kailangan ko siyang hintayin… "Jade," isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin at kanina pa hinihintay ng katawan ko upang magreact ito. Lumingon ako, dahil hindi ako maaaring magkamali boses niya iyon kilalang kilala ko ang boses na iyon. Kagaya ko, nagpapaligsahan ding magsilabasan ang mga luha sa mata niy

