Shawn's POV
"HAHAHAHAHAHA Ace! 'Yung may gusto sayo ayun oh." natatawang sabi ni Jake sabay turo du'n sa panget na babaeng nagpapa-cute. Langya sa mukha ng pucha! Mukhang iningudngod sa putik.
"HAHAHAHAHA Ganda ng feslak ng bagong babae ni Ace ah." pang-aasar din naman ni Trick.
"Ace ikama mo nga!" sabi ko sabay hagalpak ng tawa.
"Sabihin mo lang Ace kung wala ka ng maikama, ihahanap naman kita eh." banat din ni Sid
Ganto naman kaming lima, kapag walang mapagtripan. Isa sa amin ang pagkakaisahan. Kaya ngayon si Ace ang napagtripan naming apat.
"Tangina niyo!" inis na sabi samin ni Ace sabay dagan kay Jake at Trick. HAHAHAHAHA Nagkatinginan naman kami ni Sid kaya nakisama na rin kami.
"Gago 'wag kang mangurot!"
"Tangina mo Jake 'wag manghawak ng pwet!"
"HAHAHAHA Langya sa pwet ni Ace ang liit eh."
"HAHAHAHA Panong 'di liliit 'yan eh araw-araw ba namang nakikipagyugyugan sa kama."
"HAHAHAHAHA Nangangayayat na!"
"Tanga kayo!"
"Hawakan mo naman 'tong kay Shawn sobrang lambot. HAHAHAHA!"
"Tangina mo Reyes!"
"HAHAHAHA Sarap pisil pisilin."
"Pucha! 'Wag pwet ko!"
"Etong kay Sid hipuin niyo malambot din! Mala mamon eh."
"Tangina niyo!"
"HAHAHAHAHAHA Ace pisilin mo 'yung kay Jake ang taba."
"HAHAHAHAHA Langya Jake! Nagpadagdag ka ba?"
"Tanga natural 'yan, gago!"
"HAHAHAHAHA Lalo na 'tong kay Trick!"
"Pahawak nga!"
"Tangina mo Dela Cortez 'wag mong susunduting gago ka!"
"HAHAHAHAHA Langya sa pwet mo Reyes mala-tuhod sa tigas ah."
"Inggit ka lang hayop ka!"
"Baka nga mainggit!"
Lunch time.
Kanina pa ko nandito sa labas ng room ni pantal, hindi ko siya hinihintay ah. 'Di ba nga lagi dapat kaming sabay dahil binabantayan niya ko? Kaya ako nandito.
Ang tagal naman silang palabasin. Magdadalawang minuto na kong nandito, lintek!
"Shet girl si babes Shawn, tingnan mo nga kung ayos na yung make up ko?"
"Oh my ghad! Why his here? Oo girl ayos na ayos na."
"I dunno, baka he's waiting for someone."
"So who's the lucky girl?"
"Room 2-A? Sino kaya?"
"Baka naman ako lang yung iniintay!"
"No! Impossible! It's no you! It's me."
Assumera ang mga hitad! Dahil sa pagka inis ko du'n sa dalawang higad ay pumunta na lang akong rooftop. Total dito naman kami kakain ngayon. Wala si Ace at Sid kaya si Trick at Jake lang 'yung nandito.
"Tagal naman ni Jade." sabi ni Jake
"Bakit?" tanong ni Trick dito. Bakit nga ba niya iniintay si pantal?
"Tinext ko kasi siya na sabay kaming maglulunch ngayon, 'di ko na siya pinagbaon kasi nagdala na ko." sabi ni Jake habang nakatitig du'n sa lunch box sa harapan niya at nakangiti pa ang tarantado! Anong meron?
"Ha? Um—"
"Jakeee!" Napalingon kaming lahat ng may tumawag sa pangalan ni Jake.
"Uy Jade, tara na. Kain na tayo?" sabi ni Jake saka niya inakbayan si pantal.
Kasama nu'ng pantal si hapon, nu'ng nakita niyang nakaakbay si Jake du'n kay pantal ay sumimangot ito. Nagseselos ba siya? HAHAHAHAHA Bwiset!
"Shinung nhagluwto ngito, Jayngke?" tanong ni pantal habang punong puno pa ang bibig nya. "Aray!" sumimangot si pantal dahil pinitik ni hapon ang noo nito.
"Don't talk when your mouth is full, baka!" nakangising sabi ni hapon
Napatingin ako kay Trick dahil kanina pa siya papalit palit ng tingin du'n sa dalawa. Bakit?
Siniko ko siya dahilan para mapalingon ito sa akin.
"May napapansin ka ba?" tanong nito
"Ano?" pabalik na tanong ko sa kaniya.
"Basta!" sabi nito at saka na bumalik sa pagkain.
Langya ano 'yun?
"Jake kaya ko namang kumain mag-isa eh, 'di mo na ko kailangang subuan pa." nahihiyang sabi ni pantal kay Jake. Huh? Sinusubuan ni Jake si pantal?
Napatingin naman ako sa kanila at nakita kong sinusubuan nga ni Jake si pantal. Eh?
"Last na lang 'to Jade, promise!" sabi ni Jake sabay kumutsara ng kanin at ulam sa lunch box nito. Ibinuka naman ni pantal ang bibig niya at isinubo ang pagkaing inihaya sa kaniya ni Jake.
Ba't ang sweet ata ni Jake kay Jade? Tss! PDA
"Shawn saan ka pupunta?" tanong naman ni Trick kaya napatingin sakin ang lahat.
"Room." tipid na sagot ko. Tumingin naman si pantal sa wrist watch niya.
"Maaga pa ah?" sabi nito at saka uminom ng tubig pero nakatingin pa rin sakin, tingnan ko siya sa mata kaya agad itong napaiwas.
"Inaantok ako, sa room na ko tutulog." dahilan ko kahit hindi naman totoo.
Tumango tango lang sila at nagbalik na sa pagkain ng lunch. Kaya umalis na ko sa rooftop at pumunta sa likod ng HRM Building, kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at agad na itinext si Fred, butler namin.
To: Fred
Nagugutom ako, gusto ko ng strawberry na prutas ngayon na, nandito ako sa likod ng HRM Building ng university. Bilisan mo!
Wala pang isang minuto ay nagvibrate na agad 'yung cellphone ko.
From: Fred
Yes young master, 'yun lang po ba?
To: Fred
Oo
Ibabalik ko na sana 'yung cellphone ko sa bulsa ko ng magvibrate ulit ito. Takte! Text ng text ayaw bang dalhin na lang dito!
From: Reyes
Asan ka?
Bahala ka d'yan. Tinatamad na kong magpipindot dito.
To: Reyes
Hanapin mo ./.
Natawa na lang ako nu'ng nakita ko 'yung sinend sakin ni Trick. HAHAHAHA Langya Laughtrip kay pantal eh.
Picture lang naman ni pantal habang nabibilaukan. Ang panget niya, nakapikit ito na para bang natatae. HAHAHAHAHAHA!
Habang nakain ako ng strawberry ngayon sa likod ng HRM Building pa rin ay biglang nagbell na.
"Tss! Mamaya na nakain pa 'yung tao eh." sabi ko sabay kagat sa pangwalong strawberry na nakain ko.
Pagkatapos kong ubusin 'yung apat na pack nu'ng strawberries ay tumayo na ko sa inuupuan ko at naglakad na papuntang room namin, nakakaboring parang gusto kong mangtrip ngayon.
Kinuha ko 'yung phone ko at tiningnan ko kung anong oras na.
"2:39?" bulong ko sa sarili ko, napangiti ako nu'ng naalala kong si Mr. Ong lang pala yung prof namin ngayong oras. Napagpasyahan kong pumasok sa room ngayon kahit late na ko.
Nasa tapat na ko ng room namin ngayon, inilagay ko 'yung dalawang kamay ko sa bulsa ng pants ko para mas cool tingnan kapag pumasok na ko ng room. Sinipa ko 'yung pintuan nu'ng room namin at bumukas naman ito, pumasok ako sa loob at pacool na naglakad. Naagaw ko ang atensyon ng lahat pati na rin si Mr. Ong
SUCCESS! Plan A (Check!)
"Mr. Dela Cortez, why are you late?" tanong sakin nito, kaya napatingin ako sa kaniya ng may kasamang ngisi sa mukha.
"Tss! Pake mo? Magturo ka na nga lang dyan!" sigaw ko dito kaya napa-"ohh" 'yung mga kaklase ko, tingnan ko 'yung apat sa likod at tumatawa tawa ang mga hayop.
"Pardon, Mr. Dela Cortez?"
"Ang sabi ko maghinuli ka sa susunod ang dami mo ng luga eh." sabi ko dito at naglakad na ko sa upuan ko, nagtatawanan pa rin 'yung mga kaklase ko kaya mas nainis pa si Mr. Ong, onggoy! HAHAHAHA
"Ayoko nang makikita pa kita sa klase ko Mr. Dela Cortez, get out!" inis na sigaw nito
"Oh edi masaya, ayoko rin namang makita ka eh. Pano ba 'yan mutual pala tayo ng nararamdaman." pacool na sabi ko at tumayo na ko at pumunta sa unahan.
Nginitian ko siya sabay sabi ng, "Bye Mr. Ong-goy!"
Humagalpak ako ng tawa nu'ng narinig kong nagwala siya sa loob. HAHAHAHA Saya!
Habang naglalakad nang may ngiti pa rin sa labi ay narealize ko na 'di ko pala alam kung saan ako pupunta, kaya nagpatangay na lang ako sa sarili kong mga paa.
At ngayon dito ako dinala ng mga paa ko sa Room 2-A ng Fine Arts. Tiningnan ko ang cellphone ko. Mag aalas-tres na at malapit na silang umawas kaya naupo muna ako sa may bench dito sa tapat ng room niya.
Mga ilang minuto na kong nandito at naiinip na ko kaya aalis na dapat ako ng nagsilabasan na yung mga kaklase niya kaya napaupo ulit ako sa may bench na kanina ko pa inuupuan.
Hinanap ng mga mata ko 'yung babaeng maliit na nakatali ang buhok at nahagip agad ng mga mata ko 'yung babaeng palabas na ng room nya habang nakatingin sa cellphone nito.
Tumayo na ko at nilapitan siya, hindi niya napansin ang presensya ko kaya kinulbit ko ito. Napalingon ito sakin at kumunot ang noo.
"Bakit?" tanong niya habang nakatingin sakin
Hindi ba siya naiilang sakin pagkatapos nu'ng nangyari samin? Teka! May nangyari nga ba? Este pagkatapos ko siyang mahalikan?
Ngumisi ako para cool tingnan, ang unfair naman kung ako lang 'yung naiilang sakanya, 'di naman siya kagandahan.
"Wala lang. Diba student buddy kita kaya dapat lagi kitang kasama." sabi ko sabay lagay ng dalawang kamay sa bulsa ng pants ko.
"Ahh. So inintay mo ko kaya ka pumunta dito?"
Huh?!