"Read this!" utos sa akin ni Ashley. May papel na iniabot sa kanya ang tauhan. Parang napaghandaan na talaga nila ang plano.
Naitikom ko ang aking bibig at lalong namuo ang galit sa dibdib ko when I read the writings on the paper. Parang nagmamakaawa. Saying that they will kill me if ever my Papa decline their demands. Kailangan magbayad ng ama ko ng sampong milyon at the same time, ilabas ang ama ni Ashley sa kulungan. They are giving my father 24 hours to do it or else, buhay ko ang kapalit.
Itinutok sa akin ni Ashley ang telepono. I know she's recording me. Pero nanatiling nakatikom ang bibig ko at matapang na nakatitig lamang sa camera.
"I said read it!" hiyaw niya sa akin. Tumayo at sa isang iglap ay hawak na niya ang pisngi ko. Her long nails are piercing my skin. Halatang nanggigigil dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa mukha ko. "Read it! Kung gusto mo pang mabuhay."
"You will kill me anyway. Whether my father give your demands or not!" matapang kong singhal sa kanya kahit hirap akong magsalita dahil sa pagkakahawak niya. Kasalanan ko kung bakit ako nasa ganoong sitwasyon so be it. Ako ang dapat magdusa. Hindi ako bibigay sa kanila.
"b***h!"
Galit na galit akong itinulak ni Ashley dahilan upang matumba ang kinauupuan ko kasama ako. Nabali ang upuan dahilan upang ang ilang piraso noon ay sumugat sa aking braso. Semento rin ang kinabagsakan ko kaya matigas iyon sa katawan. Pakiramdam ko ay naalog ang buo kong katawan.
"s**t!" mura ko ng lihim. Mahapdi ang nagawang sugat sa braso ko at agad na dumugo iyon.
"Ikaw pa talaga ang may ganang maging matapang!" nanggigigil na litanya ni Ashley. Hinawakan ang kamay kong may sugat dahilan upang mapangiwi ako. She even press her nails in my wound. "Masakit ba, Bullet? Hindi lang iyan ang mapapala mo kapag sinuway mo ako. Mabait pa nga ako dahil kung sasagarin mo ang pasensiya ko, baka pinagpasa-pasahan ka na ng mga kasama ko," sabi niyang napahalakahak. Ngunit sa tono ay puno ng galit.
Hinila niya ako patayo. Kinaladakad sa kinauupuan niya kanina. Then again, tinutok ang cellphone niya sa akin. Taking video of me and my wound. At alam ko na kahit hindi ako nagsalita ay ipinadala pa rin niya iyon sa ama ko.
Fuck! Paano ko matatakasan si Ashley at mga katauhan niya. I need a plan. Hindi puwedeng mapahamak ang aking ama ng dahil sa akin. Wala na akong oras. Sa pagkakataong matanggap ng aking ama ang video, alam kong gagawin niya ang lahat for me. At alam kong mas dadanak ang dugo. Hindi palalagpasin ng ama ko ang bagay na ito.
"Bantayan ninyo siyang mabuti..."
Napataas ang tingin ko kay Ashley sa narinig. Mukhang aalis siya batay sa pagkuha niya ng bag sa isang mesa na naroon.
"Ash..." tawag ko sa kanya. Baka sakaling mabago ko ang isip niya. "Don't do this. Alam mo kung sino ang mapapahamak dito..."
Humalakhak siya dahilan upang mapatigil ako sa pagkumbinsi sa kanya.
"Don't worry bestfriend. Pagbalik ko ay may pasalubong ako sa iyo. Siguradong mababago ang buhay mo," she said as she waves goodbye to me. Bago tuluyang umalis ay may binulong muna siya sa isang tauhan niya.
Nakaupo pa rin ako roon at malaya ang mga kamay at paa. Talagang inakala nila na wala akong lakas para kalabanin sila. They are treating me as a weakling. Naitanim iyon sa isip ni Ashley, dahil panay ang reklamo ko sa anumang meron si Papa. Na ayoko ang ginagawa ni Papa kaya hinding hindi ko magagawang lumaban.
Pasimple kong sinulyapan ang mga tauhan ni Ashley na naroon. Napangisi pa ang isa nang madaan ang mga mata ko sa kanya. Nagkibit balikat ako at ipinagpatuloy ang pagmamasid.
Lihim akong napangiti. I am sure that only one of them have a gun. Iyong lalaking nanulak sa akin kanina. Kailangan kong makuha ang baril na iyon if I want to live.
Think Bullet. Think!
"Hmmm," pagtikhim ko. Inubo-ubo pa para kunin ang atensiyon ng tatlong tauhan na naroon.
"Boss..." pagkuha ng isa sa atensiyon ng lalaking may baril. Alam kong ang mga mata nila ay nakatingin sa akin. I need to distract them.
"Ah!" impit na sigaw ko. Napayakap sa tiyan at nagsimulang mamilipit sa kunwaring pananakit ng aking tiyan. "Ang sakit" Halos malukot na ang aking mukha para maging epektibo ang aking pagdadrama.
Alam kong naging matagumpay ako dahil ramdam kong may lumapit sa akin. Malas ko lang nang mapagtantong hindi iyon ang lalaking may baril.
"Anong nangyayari sa iyo?" kaswal na tanong ng lalaki sa aking harapan.
Nagpatuloy ako sa kunwaring pamimilipit ng tiyan habang dismayadong dismayado ang pakiramdam. Nang bigla ay may kumislap na bagay sa kanyang beywang.
Lumawak ang pagkakangiti ko sa labi habang itinatago iyon. Kung hindi baril ay maaari na rin ang punyal na nakasukbit sa beywang ng lalaki. Magagamit ko iyon para maipagtanggol ang aking sarili at kahit papaano ay magawa kong tumakas na may laban. Mapatay man nila ako ay wala akong pagsisihan. Ang mahalaga ay lumaban ako.
"Ah!" muli kong hiyaw sabay yakap sa beywang ng lalaking iyon. Dahan-dahan at tila hangin kong hinugot ang kutsilyo sa beywang niya nang hindi niya namamalayan.
My father trained me so well. Hindi ako tipikal na prinsesa lamang ng Casa. Hindi alam ng karamihan, pero marunong akong magnakaw, not because my father wants me to become a thief. Importante raw na alam kong gumamit ng iba't ibang skill lalo na kung nasa kapahamakan ako. I was a princess outside the Casa. Pero isa rin akong tauhan ng aking ama pagdating sa loob.
"Woah!" anas ng lalaki. Tuwang tuwa sa pagyakap ko.
Mabilis akong bumitiw kasabay ng pagtatago ko sa punyal. Isiniksik ko agad iyon sa aking likuran patago sa mga mata ng dalawa pang tauhan.
"Kung puwede lang to galawin, kanina ko pa nilapa!" muling pahayag ng lalaki sa harap ko sabay subunot sa akin patingala sa kanya. "Ang sarap-sarap sana pagsawaan. Tapos ipadala sa walanghiya niyang ama!" sabi nitong bigla ay napuno ng galit ang mga mata.
"Maghulos dili ka muna, Raul. Kailangan pa natin siya. Mas masarap ang paghihiganti natin sa plano ni Miss Ashley," saway ng lalaking may dalang baril.
Mabilis niyang binitiwan ang buhok ko. My scalp hurts in burning sensation dahil sa pagkakasabunot niya kanina. But I ignored it. Mas nagfocus ako sa pagpaplano kung paano ko sila matatakasan.
I know it's dark already. Kita ko iyon sa maliit na bintana sa taas ng gusaling kinaroroonan ko. And I'm waiting for the perfect timing. Kailangan kong makawala agad. Alam kong hindi na nila ako patatagalin hanggang bukas. Papatayin din nila ako kahit na sumang-ayon ang ama ko sa kagustuhan nila.
Tahimik akong nagmasid habang ang tatlong tauhan ay may kanya kanyang ginagawa. Ang tinawag na Raul ay nakasandal sa pader habang nakatitig sa akin. Parang agila na sa isang iglap ay dadakmain ako. Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ng ama ko sa kanila pero batid kong mabigat iyon para makipagsanib pwersa sila kay Ashley.
Kinapa ko ang punyal sa aking likod. Kailangan ko ng kumilos bago man mahalata ni Raul na wala ang punyal nito sa beywang. Buti na lang din at nakasuot ito ng itim na jacket kaya kahit papaano ay hindi pa nito nahahalata na wala iyon doon.
Sinubukan kong gumalaw para lamang mapangiwi. Masakit ang tagiliran ko. Nabalian yata ako ng buto sa tadyang mula sa pagkakabagsak ko kanina. Ngunit ayaw ko ng pansinin iyon. Huminga ako nang malalim para sumugod nang bigla ay pumasok si Ashley. Bihis na ito ng pantalon at itim na t-shirt. Sa beywang ay naroon ang baril ngunit sa kamay ay may hawak na bote.
"Let's play, Bullet," sabi niya nang makalapit sa akin. Hinawakan na muli ang mukha ko para mapatingala sa kanya. "See this?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang larawan na nasa bote. Isa iyong bungo na may nag-ekis na buto. Means, the thing inside the bottle was poisonous. Screams danger. Kaya kailangan ko na talagang makatakas. Or else...
"Take a video. I want to capture her screaming in pain. Magmakaawa habang nasusunog ang kanyang mukha sa asidong ibubuhos ko sa kanyang mukha."
Marahas kong hinila ang mukha kong hawak niya. Humalakhak siyang agad na binitiwan iyon.
"If she moves, barilin mo, Bruno. Aim her feet. Sa bawat galaw niya ay tiyakin mong may balang babaon sa kanyang paa!" utos pa ni Ashley sa kasama. Sinunod iyong ng tauhan niya. Hawak agad nito ang baril at nakatutok sa gawi ko.
Nanlamig ako sa takot. Sino ang hindi? Nasa bingit na nga ako ng kamatayan, mukhang sisirain pa ni Ashley ang mukha ko. At bago ibigay sa akin ni Ashley ang kamatayan na iyon ay alam kong pahihirapan niya muna ako. Hindi magiging tiwasay ang kamatayan ko.
"If you hurt me, alam nating hindi kayo titigilan ng ama ko!" I tried to negotiate ngunit tinawanan lang nila ako.
"I don't care, Bullet. Ang mahalaga sa akin ay ang magdusa siya sa kamatayan mo. He will suffer na bago pa niya kami mahanap at mapatay ay papatayin na niya ang sarili niya dahil sa guilt sa pagkawala ng pinakamamahal niyang anak!" pagkasabi niyang iyon ay bigla niyang isinaboy ang asido sa mukha ko. Huli na para maiwasan ko. The burning sensation on my right cheek made me scream habang si Ashley ay parang demonyitang humahalakhak sa nangyari sa akin. She ruined my face. Nununuot ang hapdi sa aking balat.
I want to cry. I want to beg for my life. Pero halang ang kaluluwa nila. Hindi uubra iyon. Kaya masakit man ang kanang mukha ko dahil sa asido ay muli kong itinuon ang atensiyon ko sa kanilang lahat. Slim man ang chance para makatakas ako, I'll do it. Lalaban muna ako.
Pasimple kong inilagay ang kamay ko sa aking likod para kunin ang kutsilyo. Si Ashley naman ay muling balak buhusan ang mukha ko ng asido. Hindi pa talaga siya nakuntento. Gusto niya ay mabura kung sino ako.
Bago pa man niya tuluyang maibuhos ay nagawa ko ng tumayo. I slashed her right hand with the knife and kick the bottle she was holding. Ang hindi ko inaasahan ay sa mukha niya tumama ang bote at doon bumuhos ang natitirang asido.
"Ah!" Malakas na hiyaw niya habang nasusunog ang buo niyang mukha. Nagpagulong-gulong dahil sa sakit.
Nababagay lamang iyon sa kanya. Ngayon ay patas na kami. Gusto ko man maglupasay dahil sa nangyari sa aking mukha ay wala na akong panahon pa. Bago pa man makakilos ang tauhan ni Ashley sa pagkagulat sa nangyari ay nagawa kong ibato ang punyal sa lalaking may hawak ng baril. Sapul ito sa leeg, dahilan upang mapaluhod ito at mabitiwan ang hawak na baril. Hinawakang nito ang punyal na nakatarak sa kanyang leeg.
I want to run for the gun. Pero alam kong mauunang makukuha iyon ni Raul dahil nasa malapit lang ito sa kasama. He aims it towards me when he pick it up. Walang atubiling kinalabit ang gantilyo. Umalingawngaw ang magkakasunod na putok ng baril
Napangisi ako. Bago matumba ay napaisip ako. Totoo ang sabi ng aking ama. Kaakibat ng baril ang kamatayan at buhay.