Chapter 12 Lips

1128 Words
Nang mahimasmasan ako ay dali-dali akong umakyat. Gusto kong harapin si Andrè sa huling pagkakataon bago umalis sa kanyang poder. Saan ako magsusuot at pupunta ay bahala na. Basta paninindigan ko na aalis na ako. Nasabi ko na iyon sa kanya. Ngunit pagdating sa taas ay hindi ko siya makita. Pumunta ako sa sala, kusina ngunit wala siya roon. Kaya mabilis kong tinungo ang library dahil doon ang alam kong huling puwede niyang puntahan. "Andrè..." Napatigil ako nang mabungaran ang nagkalat na mga libro sa sahig at magulong lugar. Sa paanan ko ay ang mga punit-punit na bahagi ng kanyang diary. Napanguso ako at nakunsensiya. Na-i-imagine ko kung gaano siya kagalit sa paraan ng pagkakapunit ng mga pahina at itsura ng lugar. Basta sigurado akong tila buhawi ang galit niyang iyon. Muli akong bumalik sa sala. Sa pagkakataong iyon ay sumilip ako sa labas. Tama ang kutob ko. Umalis si Andrè. Wala kasi ang sasakyan niya roon. Napanguso ako, ako ang nilayasan niya samantalang ako talaga ang nagbabalak gawin iyon. Pasalampak akong napaupo sa couch. Kinain ako bigla ng kusensensiya ko dahil siguradong natapakan ko ang p*********i niya sa mga nasabi ko. Nalaman ko ang kahinaan niya dahil sa nabasa at alam kong itinatago niya iyon. Nagkukunwari siyang matapang sa harap ko tapos, alam ko na pala na hindi siya marunong lumaban. That he was bullied and a weakling. Nakagat ko ang aking labi. Nanatili ako sa sala para hintayin siya. Hindi ko na ikinatakot na maaring iba ang dumating. Ang importante sa akin ay makahingi ng tawad sa kanya. Sige na, magso-sorry na ako kasi, alam ko naman na malaki ang kasalanan ko. Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako naghintay sa sala. Nakatulugan ko na nga ang paghihintay kay Andrè.Naalimpunatan na lang ako nang may marinig na kaluskos. Napakadilim pa ng paligid dahil gabing gabi na pala at hindi ko pa nabubuksan ang mga ilaw. Tatayo pa lamang sana ako nang biglang bumukas ang ilaw sa sala. Agad kong naitakip ang braso ko sa aking mga mata dahil nasilaw ako sa biglang liwanag. Napasilip ako nang hindi gumagalaw ang taong pumasok. Napaawang ang aking bibig nang magtagpo ang mga mata namin ni Andrè. Maging ito ay nagulat na naroon ako. Naroon pa ako. "Why...you're still here..." tanong niya. Parang gusto na niya talaga akong umalis. Medyo nasaktan ako roon pero mas nangibabaw ang pag-aalala ko nang makita ko ang kanyang mukha. May pasa ito at putok ang bibig. Lumapit ako sa kanya. "Ano ang nangyari sa iyo?" Sinubukan kong hawakan ang mukha niya ngunit iniiwas niya iyon sa akin. "Wala..." sabi niyang naglakad papunta sa kusina. Halata ko pang iika-ika siya. "Wala? Eh halata naman na nasaktan ka? Sino may gawa niyan sa iyo?" "Bakit mo tinatanong? Bakit, ipaghihiganti mo ba ako dahil nangyari sa akin ang ganito?" sabi niya nang harapin ako. Mababanaag sa mga mata niya ang galit. Imbes na masindak ay lalo lang akong naging mapang-usisa. "Eh kung kaya ko naman silang bigyan ng leksiyon bakit hindi! Aber, lagi na lang bang ikaw ang bugbog habang sila tinatawana ka!" galit ko rin na pahayag. Nakakainis siya sa totoo lang. Hindi niya makita ang pag-aalala ko sa kanya. Kinalimutan ko na nga ang kasalanan niya na pagnakaw ng halik sa akin. Tapos, heto siya... Tumahimik siya at muli akong tinalikuran.Kumuha siya ng ice pack sa freezer. Inilagay iyon sa gilid ng kanyang bibig. Pero bigla na lamang niyang initsa pagkatapos ng ilang saglit. Napatalon pa ako sa gulat dahil nagkalat ang yelo sa sahig. "I tried to defend myself! I tried to stop them! Pero wala akong napala. Sinubukan kong labanan ng suntok ang bawat suntok nila. Tadyak laban sa tadyak. Pero ko pa rin ang agrabyado!" Bulalas niya. Galit na galit siya. "I went there to confront them...pero pinagtawanan lamang nila ako!" sabi niyang tila nanghihina na. Bagsak ang balikat na napatungo. Napatiim ako anng magsimula na siyang humikbi. Lumapit akong muli sa kanya. Hindi niya nagawang umiwas nang yakapin ko siya para aluin at para pakalmahin. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa galit. Ang yakap ko sa kanya ay kulang pa sa mga nagawa niyang pag-aalaga at pagligtas sa buhay ko. Pagkatapos niyang kumalma ay nagawa kong gamutin ang sugat niya sa mukha. Nakaupo na kami sa sofa at kalmante na. Kasalukuyan kong nilalagyan ng cream ang gilid ng kanyang labi na may sugat. "Ouch!" daing niya nang idinadampi ko ang cotton bud. Inirapan ko siya. Muling bumalik doon ang mga mata ko. Hindi ko naman iniisip pero bigla ko na lamang naalala ang halik na ginawa niya. Napalunok ako at hindi na gumagalaw. Ang pula pala ng lips niya at mukhang malambot. Gusto ko tuloy idampi ang labi ko doon. Kanina kasi, hindi ko nadama ng mabuti dahil sa gulat. Hindi ko rin matanto kung masarap ba ang halik niya. "Are you okay?" tanong niya sa akin. Hinawakan pa ang kamay ko na may hawak na cotton bud para gamitin sa pagpahid ng ointment. "Ha? Oo...naman," sabi kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya at muling idinampi ang cotton bud sa sugat niya. "Ouch! Galit ka ba?" muli niyang daing. Napasobra ang pagdiin ko. "Naku, kaunting gamot lang to, reklamo ka na nang reklamo. Nakipagsuntukan ka nga di ka naman umaray!" Sinamaan niya ako ng tingin at ako si walang pakialam. Tumayo na ako para iligpit ang mga gamot nang hawakan niya muli ang kamay ko para pigilan. Napatingin ako sa kanya kasabay ng malakas na kabog ng puso ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang aking sarili. Nai-inlove ba ako sa lalaking pangit na ay kay hina pa? "Huwag ka nga, Bullet, akala ko ba guwapo siya para sa iyo," saway ng kabila kong isip nang isiping pangit siya. Kailangan kong pigilan ang sarili kong mahulog sa kanya. Isa pa, may mahal na itong iba. Si Monique nga hindi ba! Ayaw ko ng one sided love. "Thank you," sabi niya. Binitiwan naman ang kamay kong hawak niya. "Wala iyon! Pero...Alam mo..."Naupo akong muli sa pinanggalingan. "Puwede kang maging malakas. Puwede mong maipagtanggol ang sarili mo. Hindi naman porke marunong ka sa martial arts ay sa paghihiganti gagamitin. Karamihan naman ay pagtatangol talaga sa sarili kaya gustong matuto..." Napatitig siya ng mariin sa akin. Para bang tinitimbang ang mga sinabi ko. Dahil hindi ko matagalan ang titig niya ay tumayo akong muli. "Basta kapag ready ka, puwede kitang turuan. Basic na fighting skills para naman kahit papaano kapag nabugbog ka ay bugbog rin sila," sabi ko. Mabilis nang kinalap ang nasa mesa at agad na umalis. Malawak ang ngiti ko sa labi. Bago man lang ako bumalik sa mundo ko ay mabago ko man lang ang mundong ginagalawan ni Andrè. Maipagtanggol man lamang niya ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD