"I think I got your answers." Bungad sa'kin ni Bingo. Nandito kami sa unit ko ngayon. Si Nana naman ay kasama si Dory umalis. It's been a week. A hell of a week. Ang daming pinaayos at pinalinis samin sa Cristelas. Finally, nagkaroon kami ng day off. That day is today. Tinaas ko isa kong kilay. "To where or whom?" Biglaan kasi itong pagsulpot n'ya. Ginising n'ya ako mula sa pagkahaba-haba ng magandang tulog ko. Nagulat ako nang magbaba s'ya ng mga papel sa harapan ko. Napatingin ako sa mga ito. Pictures and printed texts. "Bingo?" Tinaas ko ang mga picture ni Criziana na pinipicturan si Nana. May ibang kasama pa ako. "Your wish is granted." Nag-bow pa s'ya. Napa-iling iling ako sa 'di kapaniwalaan. "'Yung printed texts ay recordings lang actually ng calls n'ya. Prinint ko lang per

