"Anong nangyari sa braso mo?" Hindi ko agad sinagot ang tanong ni mama habang nagdi-dinner kami. I sipped on my soup, before clearing my throat. "Napansin mo, ma?" I laughed sardonically. Kahapon pa naka-bandage ang kaliwang braso ko dahil sa sugat na tinamo ng bubog ni Sammie, pero kinabukasan ng gabi lang iyon napansin ni mama. Halatang wala siyang ga'nong pakialam sa 'kin. "Kailan ka ba matututong sumagot nang maayos, Kezaya?" Kumagat ako sa slice ng pizza na kinuha ko. Binagalan ko ang pagnguya para hindi ko kailanganing sumagot agad sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit kasabay ko siyang mag-dinner. Himala lang na maaga siyang umuwi at nagdala pa ng masasarap na pagkain. Madalas ako lang naman mag-isa ang nandito. I barely feel her. "Napaaway ka 'no? Nag-bar nanaman kayo ng

