"Congrats Marjorie! I'm so happy for you!" "Swerte mo, ang gwapo ni Adam! Yummy pa." Halos matumba na 'ko sa sobrang panginginig ng mga binti ko. Sinubukan kong humakbang pero nanginig ang mga paa ko. "Marjorie Imperial; sounds good ha." Tumalikod ako sa nagtatawanang mga kaibigan ni Marjorie. Napatakip ako sa bibig ko nang sunod-sunod pumatak ang mainit na luha sa mga mata ko. Muntik na 'kong mapangawa. Lalo ko lang inipit ang dibdib ko para itago ang ingay ng pag-iyak ko. Adam and Marjorie were engaged? Tangina, paano? Bakit? Kung gano'n ano pang silbi ng pagso-sorry ni Adam sa 'kin, ng mga panunuyo niya? Pasong-paso ang mga mata ko sa init ng likidong bumuhos sa pisnge ko. Lumayo ako kina Marjorie nang mabasag ang eardrums ko sa pakikinig sa kanila. Sumiksik ako sa sulok ku

