"Amara." Napatayo ako sa pagtalbog ng dibdib ko. Amara ran towards me. Niyakap niya agad ako. Nanlaki ang mga mata ko nang sunod na pumasok si Karmina sa opisina ko. Umawang ang labi niya nang mapatingin siya kay Adam na nakaupo pa rin sa visitor's chair. "Amara..." I held my daughter's head as I looked at Adam who was just quietly looking at her. "Surprise, mommy!" Amara giggled as she looked up to see me. I couldn't say any words. Pilit lang akong ngumiti. "May biglaan akong lakad sa rental properties ko." Umupo si Karmina sa isa pang upuan kaharap si Adam. "Wala 'kong mapag-iwanan kay Amara kaya sinama ko na siya. Then she asked me if we can pass by at your office. She wanted to surprise you." "Are you surprise, mommy?" Amara giggled again as she looked around. Kumalabog ang p

