"Master, kailangan niyo na daw po na bumalik ng pilipinas. Sabi ng Papa niyo.
Maguumpisa na daw po ang klase next week." Sabi Raiko ang kanangkamay ko na kababata ko. Kakagising ko lang. Kinuha ko ang coat ko at sinuot. Paglabas ko inabot sa akin ng isang tauhan ko ang kape ko. Naupo ako sa sofa.
"Luther kumusta anong balita?" Tanong sa isa ko pang kababata. Dalawa sila ni Raiko na pinagkakatiwalaan ko.
"May problema Master, Naghahabol ang leader ng mga Gago nayun sa dala nila. Malaking halaga daw yun." Sabi ni Luther. Kinuha ko ang bag na nasa ilalim ng mesa na nasa harap ko. Binigay iyun ng Papa ko nung isang araw. Inilagay ko yun sa lamesa.
"O ibigay mo yan. Pag nagreklamo sabihin mo pasalamat pa nga sila binayaran ko sila kahit wala naman kwenta ang dala ng alaga niya." Sabi ko dito. Tumango ito at nagpalam na ito.
"Kailan ang alis natin papuntang pilipinas?" tanong ko kay Raiko ng humarap ako sa kanya.
"Next week. May pahinga ka pa na Isang lingo sa pinas bago magumpisa ang klase mo." Sabi nito. Sa pilipinas kasi ako nagaaral dahil yun ang gusto ng Papa ko maganda daw ang turo doon. Nais niya na magtapos ako ng pagaaral. Maganda daw ang may alam para hindi ako maloloko balang araw kapag ako na ang pinuno ng Organization. Hindi na ako nakipagtalo, alam ko naman na hindi ako mananalo kay Papa dahil lagi yun may katuwiran. Tumango na lang ako Kay Raiko.
***RAYNE POV#***
Katatapos ko lang maligo ng may kumatok. Pagbukas ko nakita ko si manang.
"O, manang baba na po ako." Sabi ko sa kanya.
"Pinapatawag ka kasi Iha ng Papa mo." Sabi ni Manang sa akin.
"Ganun po ba. Sige po manang sabay na po tayo." Sabi ko Saka bumaba na. Nasa kwarto ko parin kasi ako. Hindi pumayag si Papa na sa servants quarters ako matulog. Hindi daw ako katulong. Pagbaba namin Nakita ko sila na nasa dining area na.
"O, Iha maupo kana." Sabi ni Papa.
"Rayne, Iha pagkatapos nating kumain magbihis ka at sasama ka sa amin pumunta ng school." Sabi ni Papa. Nagulat ako sa sinabi ni Papa. Napatingin sa kanya ang magina niya.
"Daddy!" Magkasabay na sabi ng mga anak niya.
"Wag mong sabihin na doon din siya magaaral sa school na pinapasukan ng mga anak mo?" Sabi ni Tita Evelyn.
"Dapat lang anak ko din siya kaya kung saan magaaral sila Luther at Rubina doon din siya dahil magkakapatid sila parepareho ko anak." Sabi ni papa.
"Anak mo lang hindi ako. Pano ako ano ang sasabihin ng mga kakilala natin sa akin." Sabi ni Tita Evelyn.
"Noon pa naman wala ka ng pakialam kung ano ang sasabihin ng tao sayo. Kaya wag mo sa akin idahilan yan Evelyn. Sinabi ko na doon magaaral si Rayne kung saan nagaaral sila Luther at Rubina tapos." Sabi ni Papa. Natahimik sila. Masama ang tingin sa akin ni Luther at Rubina. Tahimik lang akong kumain.
Habang nagbibihis ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na makakapagaral parin ako. Dahil alam ko na galit na galit Ang mga kapatid ko sa akin.
"Sana sa school ko na lang ako pinapasok ni papa para walang gulo." Bulong ko. Hindi ko alam na matagal na pala ako na nandito sa bahay nila papa. Natapos na ang bakasyon. Pasukan na naman pala.
Sinamahan kami ni Papa sa pagpapaenrol. Nilakad na pala ni Papa ang mga kailangan ko. Dahil dala na niya ito. Kaya hindi na ako nahirapan mag transfer sa school.
Paglabas namin sa school dumeretso kami ng mall namili kami ng mga gamit namin. Wala akong imik tinutulungan ako ni Papa mamili ng gamit ko. Nakasimangot ang mga kapatid ko. Pagkatapos nagikot pa kami. Nakakapit lagi ang dalawa Kay Papa kaya nakasunod lang ako sa kanila. Pumasok sa bilihan ng damit ang mga ito. Binilihan din ako ni Papa.
Pag uwi namin ang dami kong dala. Nakasimangot na nakatingin sa akin si Tita Evelyn. Nagpalam ako na aakyat na ako sa silid ko. Gabi na kami nakauwi.
"Alam niyo nay ang daming binili sa akin si Papa. Saka nay nagpaenrol na ako dun sa school nila Rubina. Ang laki laki nay nakakailang nga kasi halatang mayayaman Ang nagaaral dun." Sabi ko. Kinakausap ko ang litrato ng nanay ko na nasa frame. Habang inaavos ko ang mga gamit na binili namin.
Kinabukasan maaga pa gising na ako. Nagasikaso na ako ng sarili ko ng matapos ako bumaba na ako para tumulong sa kusina.
"Balita ko magaaral ka nadaw." Sabi ni Linda.
"Oo Linda masaya ako na makakapag aral parin ako." Sabi ko dito.
"Narinig namin na galit na galit na naman ang magiina. Siguradong babawian ka na naman ng mga yun kasi hindi sila pinakingan ni sir." Sabi ni Marilyn.
"Sigurado yan." Sabi naman ni Inday. Hindi na lang ako umimik. Kagaya ng dati kasabay nila ako magalmusal.
Naghuhugas ako ng pingan ng lapitan ako ni tita.
"Ngayun na pagaaralin ka ng Asawa ko. Dapat may gawin ka na kapalit. Magmula ngayun tutulungan mo si Bebang maglaba. Pagkatapos mo tumulong dito sa kanila. Aba para naman makabawi ka sa pabor na binibigay ng asawa ko sayo. Hindi yung maghahayahay ka divan dahil malaki
ang ginagastos sayo ni Rey no. Mahiya ka naman." Sabi ni Tita. Tumango na lang ako. Inirapan niya ako bago iniwan.
"Sabi ko na nga ba. Bruha talaga yan." Sabi ni Linda. Ngumiti na lang ako sa kanila.
"Rayne, pinapupunta ka ng Tita mo sa kwarto nila kunin mo daw yung mga labahan nila." Sabi ni Marilyn.
"Grabe talaga siya, Sabi ko ako na lang Tutal baba na naman ako isasabay ko na lang. Wag daw kaya daw tatamad tamad si Rayne kasi kinukuha natin ang trabaho nito. Samantalang halos si Rayne na nga ang walang pahinga sa atin e." Sabi ni Marilyn.
"Ayos lang kaya ko naman saka hindi naman mahirap yung mga trabaho dito." Sabi ko sa kanila. Saka umakyat na para kunin ang labahan nila Tita.
Ngayun ang umpisa ng klase kinakabahan
ako sa magiging mga kaklase ko. Baka kagaya din ng mga kapatid ko ang ugali nila. Hinatid kami ng driver nila Papa. Ayaw ko sana pero wala akong na gawa kasi vun ang gusto ni Papa. Wala kaming imikan sa sasakyan. Sige ang irap ni Rubina sa akin. Pareho kasi kami nasa likod ng driver naka upo. Si Luther naman ang nasa harap.
Pagpasok namin sa school sinalubong agad ng mga kaibigan nila ang kapatid ko.
"Who is she? Why is he also riding in your car?" Maarteng tanong ng kaibigan ni Rubina. Tumingin naman sa akin si Rubina
"Our helper's daughter. my Daddy wants she study here at school. You know my Daddy." Sabi niya dito. Tiningnan nila ako mula ulo hangang para. Tapos Nagtawanan sila. Hindi ko na lang sila pinansin. Hinanap ko ang room ko. Magkaiba kami ng room ng kapatid ko. Dahil mas mataas ang mga grades ko sa kanya. Nasa highest section ako napunta. Habang nagkakaklase lihim Kong tiningnan ang mga katabi ko.
"Buti na lang hindi maarte ang mga katabi ko." Bulong ko sa isip ko. Yung Isa kasi na nasa kanan ko mukhang siyang Nerd. Kasi Ang laki laki ng salamin na suot niya. Yung katabi naman niya kulot na kulot Ang buhok nito. Yung nasa kaliwa ko naman parang marte pero mukha naman friendly kasi nginitian niya ako kanina. Kaya nakahinga ako no maluwag Pagdating ng break namin.
Tatayo na sana ako para pumunta sa canteen ng magsalita ang nasa tabi ko na mukhang Nerd.
"Uy! Sabay na lang tayo." Sabi nito. Napalingon ako sa kanya. Inayos niya ang salamin niya saka ngumiti sa akin.Nginitian ko din siya.
"Sabay din ako sa inyo ha!" Sabi ng nasa kaliwa ko na nagsusuklay ng buhok niya.
"Ako din." Sabi ng nasa tabi niya. Kaya nagsaby sabay kami pumunta ng canteen. Natuwa ako kasi may mga kaibigan na ako. Kahit papano Hindi na ako maaout of place dito sa school. Nagpakilala sila sa akin Isa Isa.
"Ako nga pala si Thalia." Sabi ng kulot Ang buhok.
"Ako naman si Claire." Sabi ng Nerd.
"Fatima." Sabi ng maarte na nasa kanan ko kanina.
"Vannesa." Sabi ng katabi ni Fatima.
"Rayne." Pakilala ko. Nagkamayan kami.