Ang tatlong buwan naging isang taon. Graduation na namin ng highschool. Ako ang naging Valedictorian sa amin.Tuwang tuwa si Papa sa akin. Nakasimangot naman sila Rubina masyado daw kasi akong sip sip sa mga teacher kaya ako ang napili na Valedictorian. Hindi ko na lang sila pinansin. Kinabukasan nakatangap ako ng isang regalo. Pero walang pangalan. "Baka kay Mr. pogi yan." Sabi ni Linda. Sinamaan ko ito ng tingin napahawak ito sa bibig niya. Binuksan ko ang box isang kwintas na nakaukit ang name ko ang laman. Napangiti ako. "Siguro si Papa ang nagpadala nito. Hindi niya lang sinabi para ma sorpresa ako." Bulong ko sinuot ko ito. "Ang ganda Rayne bagay sayo." Sabi ni Linda. "Syempre si Papa ang bumili e." Sabi ko sa kanya. Napaisip siya. "Ay Oo nga baka si Sir, Hindi niya lang sina

