Aay!" Tili ko. Kasabay ng pagtumba ko. Nadiinan ko ang basag na baso. Agad na nagdugo ang kamay ko. Nagtawanan ang mga ito. "Ano bang ginagawa mo Rayne nabasag mo tuloy ang mga baso." Sabi ni Rubina. "S..so!" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko si Kenjei ito nakakunot ang noo niya at seryoso. Agad na hinubad nito Ang coat niya saka binalot ang kamay ko. "Raiko Ikaw na ang bahala diyan. Excuse me Tita sasamahan ko lang po si Rayne sa kusina." Sabi ni Kenjei Kay Tita na kasabay niya pala na lumapit. Parang natauhan naman si Rubina na mutla ito ng makita si Kenjei at nagdudugo ang kamay ko. "Naku hindi na kailangan Kenjei." Sabi ni Tita. " Manang! alalayan mo nga si Rayne." Tawag ni Tita. Kay manang. "No! Tita ako na lang po. Sige po ituloy ni

