Naupo ako sa sofa. Pilit na pinakakalma ang sarili sa totoo lang kinakabahan ako sa oras na ito pilit ko lang pinapalakas ang loob ko. Lalo na ng makita ko ang Papa ni Kenjei. Nakakunot ang noo nito na nakatingin sa akin. "Nais mo daw akong makausap binibini?" Sabi nito. Tumingin ako sa kanya.Inaarok niya ang buo kong pagkatao. "Ahhm. Magandang tanghali sir. Ako po si Rayne Quintana girlfriend ni Keneji." Sabi ko dito tinitigan ako nito. Pinanlamigan ako ng buong katawan pero pilit kong pinapapatatag ang sarili ko. "Nandito kana Rayne wala ng urungan ito." Bulong ko sa isip ko. "Alam ko babae hindi mo na kailangan pang magpakilala. Ngayon sabihin mo kung ano ang ipinunta mo dito?" Deretsong tanong niya sa akin. Napalunok ako ng laway ko. "Naparito po ako upang itanong sa inyo kung ano

