***RAYNE POV#*** Nagising ako na nasa isang silid ako. Maya maya bumukas ang pintuan pumasok si Kenjei. Nagulat ito ng makitang gising na ako. Aktong tatayo ako ng makaramdam ako ng kirot sa tagiliran ko. agad na napahawak ako dito. Mabilis na lumapit siya sa akin. "Wag ka munang kumilos baka makasama pa sa inyo ng baby natin.Tatawagin ko lang ang doctor mo." Sabi niya at inalalayan niya akong humiga uli. Napatanga ako sa narinig. "Baby natin?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin saka ngumiti sa akin. "Oo sweetheart magkakababy na tayo kaya ingatan mo ang sarili mo." Sabi niya sa akin saka hinalikan ako. Natulala ako. Nagpaalam muna siya na tatawagin niya ang doctor ko. "B... Buntis ako." Bulong ko saka ako napahawak sa tiyan ko. Naalala ko laging masama ang pakiramdam ko tuwi

