Nagising ako sa tunog ng Phone ko napatingin ako sa ding ding nakita ko 3:30 pa lang ng madaling araw.Napakunot ang noo ko. "Sino ang tatawag sa akin ng ganitong oras? "Tanong ko sa isip ko. "Hello?" Sabi ko ng sagutin ko ang tawag. "Rayne, pumunta ka dito sa hospital isinugid namin ang papa mo inatake siya sa puso. Hindi ko alam ang gagawin ko." Sabi ni Tita na umiiyak. Napabangon ako ng di oras. "Saang hospital po niyo dinala si Papa?" Tanong ko dito sinabi niya kung saang hospital niya dinala ang papa ko. "Sige po Tita hintayin niyo po ako diyan darating ako diyan." Sabi ko saka nagbihis na at kinuha ko ang susi ng kotse ko. "Kumusta na po si Papa?" Tanong ko kay Tita. "Inaasikaso na siya ng doctor." Sagot niya. Napatingin ako sa loob ng silid nakita ko si Papa na nakahiga w

