Chapter 3

1040 Words
Pinag impake na niya ako ng mga gamit ko. Kaya nilagay ko ang mga gamit ko sa dalawang bag na malake. Konte lang naman ang gamit namin ni nanay. Habang nasa sasakyan malayo ang iniisip ko. Kung matatangap ba ako ng pamilya ng papa ko. Hinawakan niya ang kamay ko.Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Gabi na kami dumating. Nakita ko na napakalaki ng bahay niya. Bumaba ako. Pinakuha ni papa ang mga gamit kosa katulong. "Nasa dining area na po sila sir." Sabi ng katulong. Tumango siya at nilapitan ako. Hinawakan ako sa braso ng papa ko. Pumasok kami sa loob. Ang ganda ng bahay halata sa mga gamit na hindi basta basta ang mga nakatira dito. Dumeretso kami sa Isang pintuan. Pagpasok namin bumungad sa amin ang mahabang lamesa. Nakaupo na ang asawa niya at dalawang anak. Nahigit ko ang hininga ko. Ng makalapit kami sa kanila. Tiningnan nila ako mula ulo hangang paa. "Who is she, Daddy?" Tanong ng babae na hindi na lalayo ang idad sa akin. Habang nakataas ang kilay. Lumapit sa akin si Papa. "Rayne, she is your aunt Evelyn and here are Luther and Rubina, our children. She is Rayne Villamore Quintana. Your sister my princess." Sagot ni papa. "Sister?" Magkapanabay na tanong nila. "Yes." Sabi uli ni Papa. "What nonsense is this Rey?" Tanong ng asawa niya na napatayo pa sa kinauupuan niya. Habang nakakunot ang noo. "Hindi ito kalokohan Evelyn. Anak ko si Rayne kay Loraine. Buntis siya ng umalis siya noon dito." Sabi ni Papa. "What?!" Sigaw ni Tita Evelyn. "Please calm down. Nasa harap mo ang mga bata." Sabi ni Papa dito. Saka hinawakan ito sa balikat. Pero tinangal nito ang kamay ni Papa sa balikat niya. "Pano ako kakalma kung bigla ka nalang darating at magdadala ng tao dito sa bahay natin tapos ipapakilala mo na lang agad sa amin na anak mo." Galit na galit na sabi ni Tita. Napayuko ako. "Come let's talk." Sabi ni Papa dito saka lumabas ng dining erea. "Talagang kailangan natin magusap!" Singhal ni Tita at sumunod kay Papa. Tiningnan naman ako mula ulo hangang paa ng dalawang anak nila. "Wala na akong ganang kumain." Sabi ng lalake at lumabas narin. "Me too." Mataray na sabi naman ng babae at nagmarcha narin palabas ng dining erea. Naiwan ako na nakayuko. Nagulat ako ng lapitan ako ng matandang katulong. "Maupo kana lha. Wag mo silang intindihin. Kumain kana sayang naman Ang mga pagkain kung walang kakain." Sabi nito at nilagyan ako ng pingan. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti ito sa akin. Kaya tahimik akong kumain. Maya maya dumating na si Papa. Umupo ito sa tabi ko at kumain narin. Hindi na bumalik ang pamilya niya. "Pasensiya na po." Sabi ko ng matapos kaming kumain. "Bakit ka humihingi ng pasensiya. Dapat ako pa nga ang humingi sayo ng pasensiya dahil sa inasal ng pamilya ko sayo." Sabi ni Papa sa akin. "Naiintindihan ko po sila Papa." Sabi ko sa kanya. Niyakap niya ako. "Salamat. Hayaan mot matatangap karin nila." Sabi ni papa sa akin. Pinahatid niya ako sa isa sa mga kwarto sa taas. "Nay. Hindi ko alam kong magiging masaya ba ako na kasama ko na si Papa. Ayaw sa akin ng pamilya niya. Sana nandito ka na lang para tayo na lang ang magkasama. Nay." Bulong ko. Saka tumulo na naman ang luha ko. Kinabukasan maaga pa gising na ako. Nagasikaso na ako ng sarili ko. Pero nakaupo lang ako sa kama ko. Nahihiya ako na lumabas ng silid ko. Maya maya may kumatok na sa silid ko. "Pinapasundo kana ni sir." Sabi ng katulong. Kaya lumabas na ako. Pumunta na kami sa dining erea. "Maupo kana lha." Sabi ni Papa. Napatingin ako sa mga kasama niya. Mga nakairap sa akin ang mga ito. Yumuko na lang ako at naupo sa upuan na tinuro ni Papa. Nilagyan ako ng pagkain ni Papa. Napatingin ako sa mga kasama niya. "Kumain kay ng maige." Sabi ni papa. Yumuko na lang ako. "Magkalinawan nga tayo Rey. Papayag ako na dito tumira yang anak mo, Basta tutulong siya sa mga gawain dito sa bahay." "Evelyn!!" Sigaw ni Papa. Napatingin ako sa kanila. Magaaway na naman ba sila. "At bakit, ano ang inaasahan mo. Na magiging Seniorita siya dito? Siguro naman hindi siya mahihirapan tumulong sa mga kasambahay dahil sanay naman siya sa mga gawain na yan no." Mataray na sabi ni Tita. Magsasalita pa sana si Papa. Pero sumali na ako sa kanila. "Ok lang po yun papa. Tama naman po si Tita Evelyn, hindi naman po ako mahihirapan dun. Maganda nga po yun hindi ako malinip dito." Sabi ko kay Papa. Tumingin siya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya para matigil na sila sa pagaaway. "See. Tama ako diba?" Sabi nito Kay papa. Nakangise naman ang dalawa nilang anak. "Sigurado ka ba talaga na yan ang gusto mo Rayne?" Tanong ni Papa. "Opo papa." Sagot ko sa kanya. Kaya huminga na lang siya ng malalim saka tumango. Pagkatapos naming kumain nagpaalam na si Papa na aalis na pupunta na sa opisina. Tumango lang ako sa kanya. "Pasensiya na anak ha." Sabi niya sa akin. Wala na ang pamilya niya nauna ng lumabas ng dining erea. "Ayos lang po yun Papa." Sabi ko sa kanya. Tumango na siya at nagpaalam na sa akin. Pagalis nila tumulong ako sa pagliligpit ng pinagkainan namin. "Naku kami na lang po yan. Ma'am Rayne." Sabi ng katulong sa akin. "Naku wag niyo na po akong tawagin na ma'am baka lalo lang po sila magalit. Rayne na lang. Saka naiilang ako na ngumiti sa kanila. Hayaan niyo na ako dito." Sabi ko sa kanila. "Tutulungan ka na lang po namin." Sabi nila. Kaya tumango na lang ako. Nasa kalagitnaan na kami ng hinuhugasan ng pumasok si Rubina. "Oy! Sampid. Pinabibigay ni Mommy, isuot mo daw." Sabi nito sabay balibag sa akin ng Uniform. "Bagay talaga sayo yang ginagawa mo. Mukha ka kasing basahan." Sabi nito saka umalis. "Grabe naman sila. Hindi ka naman katulong bakit magsusuot ka niyan." Sabi ng isang katulong, Umiling si manang. "Magagalit si sir pag nakita na suot mo yan." Sabi ni manang. Ngumiti na lang ako saka pumasok sa banyo at nagbihis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD