***RAYNE POV#*** Nagulat ako Kinabukasan dahil nagyaya na sila Fatima na umuwi. Kaya dapat bukas pa kami ng umaga uuwi napaaga ang balik namin sa maynila. "Bye sweetheart, Hindi pa sana kita iuuwi kaso may importante akong gagawin." Sabi ni Kenjei. Tumango na lang ako. Kahit ako ayoko pa sana humiwalay sa kanya pero wala akong magawa. Hindi siya nakatawag sa akin pagdating ng gabi ganun kinabukasan. Mainit ang ulo ni Rubina ng dumating. Hindi ako umimik. Naabutan ko na sinesermunan si Maria nito. Umirap ito ng makita ako saka umakyat sa silidd niya. *Anong problema nun? " Tanong ko sa kanila. " Mainit lang ang ulo nun kasi narinig ko na tinutukso siya ng Kuya niya dahil naghanda pa daw siya yun pala hindi naman pala sasama si Kenjei. Kaya ayun mainit ang ulo." Sabi ni Maria. Napatango

