Chapter 1

2342 Words
Mahirap nga talagang kalimutan ang isang taong naging bahagi ng buhay mo kahit na masakit ang dinulot niya sayo ay hindi mo parin kayang makalimutan siya ng ganon kadali. Tumatak sa buong buhay mo at puso mo. Tulad ko, nung una ay nahihirapan ako. Nakakabaliw diba? Ako na nga itong narape niya ay naging ganito pa ako. Hinahanap-hanap ang mukha niya pero pinilit ko parin na kalimutan siya. Ginawa ko lahat para makalimutan siya. Lahat ng bagay na konektado sa kanya katulad ng mga dyaryo ay tinapon ko lahat. Sinunog ko na lahat. Hindi narin ako nanonood ng t.v. kahit yun lamang ang kinalilibangan ko sa bahay.Iniiwasan ko na rin ang mga taong mag-chismis tungkol sa kanya. Iniiwasan ko lahat tungkol sa kanya at ngayon nag-iimpake ako ng mga gamit ko dahil babalik ako sa lugar na kung saan ako pinanganak. Sa probinsiya na matagal ko ng nilisan simula noong ako nalamang ang natira at nagbabasakaling makahanap ng trabaho upang mabuhay ako ngunit iba ang binigay ng tadhana sa akin. "Cass! Tara na baka mahuli tayo sa byahe." isinarado ko ang itim na bag bago ko nilingon si Lory. Nag-pumulit siyang sumama sakin. Wala naman daw siyang kamag-anak dito at isa pa malapit na daw akong manganak. Ayaw niyang makita akong nahihirapan. Sobrang saya ko ng makilala ko siya at naging kaibigan ko siya. Ang nag-iisa kong kaibigan at naging sandigan ko sa lahat ng problema. "Tara na." sagot ko na lang at binitbit ang bag palabas ng bahay. Bago ako makalayo ay nilingon ko ang bahay sa huling pagkakataon. Mamiss ko ito. Bumuntong hininga ako at tinakpan ang aking ulo ng mabulaklaking tila. Hinimas ang malaki kong tiyan at sumunod kay Lory. Bagong lugar at bagong buhay. Sana naman tahimik ang buhay ko pagdating dun. "Naku! Ang laki-laki mo na Cassandra. Buti at bumalik ka sa probinsiya natin. Namiss kita bata ka." masayang salubong samin ni Aling Fe nang dumating agad kami sa probinsiya. Ang kapit-bahay namin. Siya din ang iniwanan ko sa bahay namin. "Namiss ko nga din ang simoy ng hangin dito eh." masaya ko ding sabi. "Hala! Tuloy kayo. Malayo pa naman ang binyahe niyo." Napangiti akong masilayan ang loob ng bahay namin. Walang pinagbago. Makikita mong alagang-alaga ito. Malaki ang pasasalamat ko kay Aling Fe kung wala siya iwan ko nalang kung ganito parin ang bahay na iniwanan ng aking yumaong mga magulang. Sa loob ng isang linggo ay masaya kaming nagkukwentuhan. Kilala parin ako ng ibang tao sa bayan namin kahit matagal-tagal na akong nawala dito. Akala ko huhusgahan nila ako malamang na buntis ako tulad ng mga tao sa syudad pero hindi pala. Ang saya-saya ko dahil kahit hindi nila alam ang buong storya ay tanggap nila. Ika nga nila,' Ganun talaga ang buhay. May mangyari hindi natin lubos maisip na mangyayari ito sa buhay natin. May dadating satin na hindi inaasahan. Malay mo isa pala yung blessing at tingnan mo nga Cassandra. Blessing nga sayo dahil may kasama ka narin sa wakas.' Ang pinag-abalahan sa bagong buhay namin ni Lory ay ang pagtatanim ng ibat-ibang gulay at bulaklak. Ito ang naging negosyo namin. Si Lory ang nagtitinda sa palengke habang ako ay nagtitinda ng suman at bico sa harap ng bahay. Dito kami kumukuha ng aming makakain sa pang-araw-araw at mga bayarin. Tama ang desisyon kong umuwi sa probinsiya. Hindi ko pinagsisihan ang desisyon kong bumalik dito at mamuhay ng tahimik. Malayo sa mga taong mapanghusga. Sa kaligtnaan ng gabi ay nagising ako. Sumakit bigla ang tiyan ko. Hinihimas ko ito upang mabawas-bawasan ang sakit. Dinagdagan ko din ang unan ko sa ulo at pumikit. Napangiwi akong sumakit ulit. "Jusko! Wag naman sana ngayon. Gabi na pwedeng bukas nalang Lord?" mahinang usal ko. Napangiwi akong humilab ang tiyan ko.Jusko! Dahan-dahan akong bumangon sa higaan at umupo sa gilid ng kama. Hinihimas ko ulit ang tiyan ngunit agad din akong napatingin sa paanan ko na may dumadaloy na tubig sa aking hita. Ang panubigan ko. Pumutok na. "Lory." mahina kong sigaw. "LLLOORRYY." buong lakas kong sinigaw ang pangalan niya nang humilab muli ang aking tiyan. Pabagsak na bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Lory na may dala-dalang sandok habang magulo ang buhok. "Nasan? Nasaan ang magnanakaw?"natataranta nitong tanong sakin at may hinahanap. Napapikit ako. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi dahil sa sitwasyon namin ngayon ngunit napahiyaw ulit akong mas domoble ang sakit na naranasan ko. "Manganganak na ako, Lory." "Huh? Manganganak ka na? Ay yun lang pala akala kung-ANO MANGANGANAK KA NA? Teka! Teka jusko. Bakit ngayon pa? Pakisabi dyan sa anak mong bukas nalang? Inaantok pa ako at gabi na." "LOOORRRYY." "Ay ito na ito na nga. Jusko! Teka anong gagawin ko ba? Ay oo hahanap ako ng tulong. Tama! Ay hindi tricycle."aligaga nitong usal. "Tangina Lory. Komadrona kailangan ko. Hindi na ako aabot sa clinic. Tawagin mo si Aling Linda. Piste! Ibabato ko talaga tong flashlight sayo babae ka." hindi ko mapigilang mainis. Ang sakit na kaya? "Ito na ito na. Tatawag na ako." Isang oras din akong umire bago ko iniluwal ang mga anak ko.Nandito rin sina Aling Fe at ang asawa niya.Nasa bintana naman ang iba naming kapitbahay.Sumisilip sa amin.Nagising din kasi sila dahil sa pagbubulabog ni Lory. "Ay sus ginoo. Apat? Apat ang iniluwal mo ineng?Anong klaseng semelya ang meron ng kanilang ama ere?" Bulalas ni Aling Linda at nahimatay. Nagkagulo ang lahat dahil kay Aling Linda. Kahit hinang-hina na ako ay nakuha ko pang matawa sa sitwasyon namin. "Susko! Natalo pa ata si Cassandra sa reaksiyon ni Linda. Pambihira!"rinig ko pa mula kay Aling Fe. Napangiti akong nilingon ang mga anak ko sa tabi ko. Suot nila ang binili namin ni Lory na damit nila. Pati ako ay hindi din makaniwala na apat ang isisilang ko. "Mga anak ko. Pambihira bakit kamukha niyo ang ama niyo? Ako ang naghirap tapos ganito? Unfair." Lumipas ang ilang taon habang palaki ng palaki ang mga anak ko ay naging kamukha nila ang ama nila. Sa edad nilang anim ay tinulungan nila akong magtanim at magdilig. Tinulungan din nila akomg magtinda pag-uwi nila mula sa paaralan. Tama po kayo. Nag-aaral na sila at nasa Grade 1 na sila. May angkin din sila ng talino. Sa mura nilang edad ay parang matanda na kung mag-isip. Tama nga sila, they are my blessing in disguise kung wala sila hindi ko alam kung sasaya pa ako tulad ngayon. Siguro tinadhana talaga yun na mangyari sa buhay ko upang bigyan ng kulay ang madilim at malungkot kong buhay. May mabuti palang naidulot ang trahedya na yun sa buhay ko. Masaya na ako ngayon kasama sila. Si Lory, mga anak ko at mga kababayan ko. "Nanay! I want milk po. Meron po ba tayong milk?" tanong ng nag-iisa naming prinsesa.Si Zebediah Ursula. Napatawa naman ako bago ko siya nilingon. Nakanguso siya sa may pinto habang may dalang baso. Nilingon ko muna ang tatlo kong prinsepe na may kanya-kanyang ginagawa. Nagdidilig, naghuhukay at nagpuputol ng bulaklak gamit ang gunting bago tumayo. Pinagpag ko ang saya at naglakad papalapit sa kanyang harapan. Yumuko ako ng bahagya at sinuklay ang mahabang kulot niyang buhok na minana sakin. Ang inosente niyang asul na mga mata ang nakatitig sakin. Ngumiti ako at hinalikan ang noo niya. "Oo naman. Tara." malambing kong sagot at hinawakan ang malambot niyang kamay. Nilingon ko muli ang tatlo na ganun parin ang ginagawa. "Boys, tama na muna yan. Pasok kayo sa bahay." natatawa kong anunsiyo. Nakita kong napatigil sa pagdidilig si Zephyr Hades at nakakunot ang noo nitong lumingon samin. Napatayo naman si Zeus Thanatos at walang buhay niya kaming nilingon. Napatigil naman sa pagputol ng rosas si Zuhair Eros at nakangiti itong lumingon samin. Buti pa tong isang toh hindi masungit. Napailing-iling naman ako sa inasta nila. Sa loob ng anim na taon na kasama sila. Well, masayang-masaya kami kahit na nahihirapan ako sa pagpalaki nila. Apat kasi buti nalang nandyan sina Lory at Aling Fe na gumagabay sakin at ibang kapitbahay namin. Naging malapit sina sa apat kahit na sinunumpong ang dalawa kong prinsepe sa kasungitan. Iwan namana ata sa ama nila. Nag-iisa lang ako sa bahay habang naglilinis dahil may pasok ang mga anak ko. Si Lory naman ay nasa palengke. Hindi gaanong kalaki o kaliit ang bahay namin. Yung sakto lang sa amin. "Cassandra! Cassandra!" napaayos ako ng tayo nang marinig ang matinis na boses ni Lory mula sa labas ng bahay. Napakunot ang noo kong makita siya aligaga at may dala-dalang newspaper. "Oh?Maaga ka atang umuwi?" Taka kong tanong sa kanya. Napakamot ako sa noo nang makita ko siyang sumandal sa pinto habang pinaypayan ang sarili gamit ang hawak niyang newspaper. "W-wait lang.hhoo..." Ilang minuto ko siyang pinagmasdan habang pinagpatuloy ang paglilinis. "Jusko.Cassandra." napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw niya. "May kaguluhan dun sa palengke. May mga lalaking nakaitim doon. Ang dami-dami nila. Parang mga gwardya.Ano nga ba tawag nun?Ah!oh tama! Men in black ata ang mga yun. Parang may hinahanap. Jusko! Buti nalang nakatakas ako sa kaguluhan doon." napalingon ako sa kanya. Nakaupo ito sa sahig kaya hinila ko ang isang silya at doon umupo. "Mga lalaki?" "Oo, Cassandra. At may good or bad news ako sayo.Iwan ko nalang kung bad news or good news ito sayo. Heto basahin mo." Gumapang siya papunta sakin at inilahad ang newspaper. Napailing nalang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan nang mahawakan ko ang dyaryo. Ngayon ulit ako nakahawak ng dyaryo simula noon. Huminga ako ng malalim at pumikit. Sa aking pagdilat. Front page ang sumalubong sakin at malalaking letra na hindi ko lubos maisip at makapaniwalang mabasa yun. "Nako .Anong gagawin mo,Cassandra? Pinapahanap ni Mr. Smith ang mga babaeng dumaan sa buhay niya? Psycho pala ang fiance niya I mean EX-fiance niya. Ang ganda pa naman niya. Akalain mo? Pinabogbog niya si Mr. Smith ng malamang may mga babae ito sa past? At tanga din ito si Mr. Smith eh. Bakit niya hinayahaang mabugbog siya? Mafia Lord pa naman siya. Pag-ibig nga naman. Akala ko kinasal sila after nating umalis sa Manila. Hindi pala." I don't know. Naging blangko ang utak ko matapos kong mabasa ang front page ng dyaryo. "Nasa mental si Aestheria noong umalis tayo at ngayon daw ay patay na dahil sa sobrang baliw, nagbigti ang gaga. Jusko! Akala ko ang bait-bait nun. Psycho pala yun?" "Pinapahanap niya kayo, Cassandra dahil nagbabasakali siyang may naging anak siya mula sa inyo. Naging baog siya simula noong nangyari yun, Cassandra. Hindi na siya makakaanak at kapag wala siyang mahanap ni isang may dugo sa kanya, wala na. Wala na ang titulong pinaghihirapan niya ng ilang taon. Ang pagiging Mafia Lord niya." "Huling taon na niya ngayon para mahanap ni isang bata na anak niya, Cassandra. Anong gagawin mo?" Nabalik ako sa realidad ng pinitik ang kanyang daliri sa mukha ko. Napatitig ako sa kanya na may kunot ang noo nito. Naghihintay kung ano ang sasabihin ko. Waring may bumara sa lalamunan ko dahil hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "M-Marami naman siguro siyang babae. Hindi lang ako Lory. Madami pa dyan sa tabi-tabi. Hindi lang ako at alam ko yan. Wala akong paki kung mawala ang pagiging Mafia Lord niya. Anong paki ko sa Organization nila? Sa underground nila? Sa rules and regulations nila? Wala." Tumayo ako pero bago ko iniwan si Lory ay inilapag ko ang dyaryo sa silya at muli kong nabasa ang malalaking letra. 'Mr.Smith,bpinapahanap ang mga babaeng dumaan sa buhay niya.' 'Isang taon nalang ang natira upang may maipakita sa ibang mafia na may magmamana sa titulo niya bilang Mafia Lord.' '6 years past, Mr. Smith became more dangerous and he will do everything to find out if he had a kid from other woman. He will never called a Notorious and Devil Mafia Lord for nothing.' 'The Notorious Mafia Lord was spread all over the medias.' Kagat labi akong lumabas sa bahay at tumungo sa harap ng mga rosas na bulaklak. I can't imagine that after 6 years, siya lang ang laman ng mga news.Mapa-tv, social medias at radyo. The Notorious Mafia Lord was searching for his kid? Nakakatawa. I maybe his victim but yun nga I will always a silent victim. I don't care if other mafias will cut his throne. I'm still in pain. I'm still in my nightmare. I can't get out on my own world with him after that night. Night that changed my whole life but I'm bliss after all. It's still remains of a cruel night with the Notorious Mafia Lord but i don't know. I don't know what to do. Hindi lang naman siguro ako ang na buntis niya diba? May iba pa. Yan ang pinaghahawakan ko ngayon at sana tama. Ayaw kong mawalan ng anak. Yun lang naman ang gusto niya diba? Anak?To remain his position. Kung iisipin ang bagay na yun,ang sakit-sakit. Kalahati kong katawan ay parang mamamatay. Paano pa kaya kapag malaman niyang may anak siya at hindi lang isa kundi apat? Ayaw ko. Hindi ko kaya. Because I'm happy now and contented. Masaya na ako with my four angels. Hindi ako mabubuhay kapag kukunin niya sila. They are my breathe and everything. Sila ang buhay ko at hininga. Ayaw ko din ng gulo dahil alam kung hindi biro ang buhay ng isang mafia Lord. Paano nalang kapag may mangyaring trahedya at konektado sa pagiging mafia niya? Paano kung mapahamak ang mga anak ko sa kamay niya? Alam ko namang kaya niyang protektahan ang mga anak ko pero hindi yun sapat para ibigay at kunin niya ng ganun-ganun lang. Ako ang naghirap habang siya ay nagpakasaya. Ako ang biktima hindi siya. I hope he can't find us even it's impossible. I'm not selfish person but for my kids safety, I'll never hesitate to become one of a selfishness person. I'll hide and hide. I assure that no one can find us but I know it's rare to happened because he's a wealthy person after all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD