Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyari. Parang... Alam niyo 'yon? Parang panaginip lang ang lahat. Kasalukuyan akong nagkulong dito sa aking kuwarto at iniisip ang lahat ng kaganapan kanina. Parang gusto ko na lang mag-palamon sa lupa dahil na-realize kong nakakahiya pala ang mag-tapat sa taong gusto mo. s**t! Hindi rin ako makapaniwalang si Caila pa talaga ang tumulong kay Jace. All this time akala ko wala siyang pakialam sa mga pinaggagagawa ko. Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos. Kaya alas-sinko pa lang ay bumangon na ako upang maligo. Hindi ko nga mapigilang tumili ng impit dahil sa kilig. Para pa 'kong baliw na kumakanta't sumasayaw na parang kiti-kiti. Ilang minuto rin ang itinagal ko sa loob ng bathroom kaya paglabas ko'y

