((Minutes before the arrival of Catherine)) Leondelien Cadiz Vonn Ngayong araw na 'to ay napag-desisyunan kong tapusin ang paghihiganti at maisakatuparan 'to. Kanina'y napadaan ako sa classroom ng dalawang masaya't nag-iibigan na taong kilala ko. At narinig ko ang usapan nila na naging dahilan ng aking pagkatuwa para sa binabalak. Simple lang naman ang gagawin ko at ang simpleng 'yon ang dudurog sa kanilang dalawa. At sobra ngang nakakatuwa ang pagmasdan ang mga taong nagmamahalan at nagkakasakitan. Mukha silang tanga. Hahaha! Si Candeline Morg Vonn ang aking kapatid na labis na minahal ang isang Clarkson Jace Garcia. Isang lalaking napakamanhid at cold sa iba at ni hindi man lang magawang ibaling ang paningin sa iba. Simula kasi nang malaman ni Morg na naghiwalay na si Jace at Farra a

