"Mic test, one, two, three. Hello, pasensya na po sa abala! Saglit lang po 'to. Salamat hahaha!" Aba! Tumawa pa! Masaya ba siya kasi pinagtitilian siya ng mga mahaharot na babae? Napatampal na lang ako sa aking noo at napailing-iling sa pinaggagagawa ni Jace sa harap. Napatikhim naman siya. Pero nandoon pa rin ang bahid ng ngiti. "Kaya po pala ako nandito sa stage kasi 'yong gusto kong babae medyo nagtatampo sa akin." Narinig ko naman ang sigawan at ilang mga salita ng mga babaeng malapit lang sa'kin. s**t! Nakakahiya. "Awww. So sweet!" "Nasaan ba 'yong babae?!" "Kyaaahhh!!! Nakakakilig!" "Sana lahat may jowa!" Nakita ko namang napadpad sa gawi ko ang mga mata ni Jace dahilan ng paglingon din sa'kin ng madlang people. Shit! Ano ba 'to follow the leader lang ang peg?! Lumingon

