Chapter 6

1055 Words
Ilang linggo na ang nakalipas nang matanggap ko ang message na 'yon sa hindi kilalang tao at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali kung anong ibigsabihin n'on o para ba talaga sa'kin 'yon, pero itinatak ko na lang sa isip ko na na-wrong send lang ang sender. "Uy, Cath nakikinig ka ba?" natauhan ako sa boses ni Caila. Kanina pa ata ako wala sa sarili ko. Hayst! "Ah oo naman!" "Weh? O, kung nakinig ka ano nga ulit ang mga pinagsasasabi ko kanina?" Hindi na lang ako umimik nang itanong niya sakin 'yan at napabuntong-hininga ng malalim. "O! tingnan mo hindi ka nakikinig diba?" Eksaherada niyang tanong na may halong pambibintang sa kaniyang tono. "OA mo Cai!" "Tara na nga sa classroom at baka ma-late pa tayo, eh," sabi ko at binilisan na namin ang paglalakad. Iyong tipong tatakbo na kami, pero tanong ko lang, naglalakad ba kami o tumatakbo? Hehehehehe. Peace. "Okay class, I will group you in to seven, and each group will consists of five members. Pagkatapos ko kayong i-grupo sasabihin ko kung ano ang dapat niyong gawin," sabi ng guro namin habang tinitingnan ang master list. Hay! group, group, group, kapag sinabing by group ang saya ng mga kaklase ko kasi hindi sila magpaparticipate sa group. In short, pahayahay lang naman 'yong iba. "Group one are Garcia, Landipa, Belancy, Sebastian, and Caila. And all of you will do a role playing. And the theme will be about love." Tsk! Daming alam ni ma'am pero atleast masaya kasi kasama ko ang dalawa kong kaibigan hahaha. "Daile, Xenon, Alonzh, Seriease and Killuese are group two. And you'll play about fantasy like God and Goddess, magics, and anything that will be magical." Nakita ko namang nagtinginan ang magkakagrupo at ngumiti sa isa't-isa. Halatang masaya kasi sila rin ang magbabarkada dito sa loob ng klasrum. "Group three are Xy, Reliyu, Fernanse, Vergara and Hilleous. You'll play about family. It's up to you kung paano niyo gagawin basta it's about family." Binanggit pa ni ma'am ang iba pang magkaka-grupo, pero nawalan na ako ng ganang makinig kaya inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pag-calligraphy ng pangalan ko. Nang matapos nang mag-group si ma'am at sabihin ang mga dapat gawin ng bawat grupo ay pinayagan niya na kaming mag-usap-usap ng magkakagrupo since hindi naman daw siya magdidiscuss today, ibibigay niya lang daw ang time na 'to para makabuo na kami ng concept. "O, anong gagawin natin?" Tanong ko sa mga miyembrong seryoso ring nag-iisip. "Ako na lang ang gagawa ng script natin para bukas, ang iisipin na lang natin ay kung sino ang mga gaganap." Buti naman at nagprisinta si Caila kasi 'pag ako ang gumawa... Baka mabaliw pa ako sa kakaisip ng lines hahahaha chos! "Sa bahay na lang tayo magpractice," pagpi-prisenta naman ni Jace. "O sige, bukas na natin 'to gawin magkita-kita na lang tayo sa park para sabay-sabay tayong pumunta kanila Jace," sabi ko sa kanila habang binabasa ang mga ni-take down notes ko. Pagkatapos naming mag-usap ay nagsibalikan na kami sa aming mga upuan. "Good bye, Class. By the way, ipre-present niyo na next week ang mga naka-assign sa inyo at saka okay lang kahit filipino language. And, sa auditorium kayo magpeperform kaya kailangan ay maayos ang gagawin niyo dahil may mga audience tayo. Sige na, bye!" Grabeh! kailangan talagang may manood sa amin pa'no kung magkamali ako? Matisod? Hahaha feeling ko 'no? Dapat think positive hanggang kamatayan! Lumabas na kami ni Caila sa room and again nang-iwan nanaman si bestfriend kaya kami na lang ni Caila ang pupunta sa cafeteria. Siguro nando'n na rin si Lace kaya siguro nauna na si Jace. "Caila gandahan mo yung script," sabi ko with matching tap pa sa balikat niya. Natawa naman siya't nagtaas ng kilay. "Oo naman ako pa ba? Maganda ang script kasi maganda ang gagawa." Anong connect? Edi 'yong maganda? Ambot! Naguluhan ako bigla, uy. "Tara na nga't humahangin na dito," sabi ko't sabay kaming natawa. Kapag magkasama kami nitong si Caila nababaliw din ako. Magka-vibes ata ang ka-aning-an namin, eh. And again, in-libre na naman kami ni Jace! We are so happy and of course, lucky. Pero kawawa naman si Jace dahil mukhang nalugi kasi siya. Kapiranggot na tinapay lang ang kinakain niya, pero kaming tatlo nila Lace mukhang isang taong hindi nakakain kasi naman tig-iisang balot kami ng gardenia bread tapos chocolate pa hahaha habang kay Jace ay isang piraso, as in yung isang tinapay lang talaga. "Thank you bestfriend!" "Hala grabeh 'tong si Cath, parang mangkukulam kung tumawa," sabi ni Caila tapos sabay pa silang tumawa ni Lace. "Hehehehe... Peace." Nag-peace sign pa silang dalawa. Grabeh, nakaka-hurt! Kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to? Kung makaasar ha, parang hindi sila gano'n tumawa. "Bestfriend hindi mo ba ako ise-save sa evils?" Nakanguso kong tanong kay Jace. "Tumigil ka nga tabachoy na bestfriend ko. Para kang batang baboy na nakanguso! Tsk." Nanlaki naman ang mga mata ko. Aba! "Ano ba? What the!" Pagalit niyang sigaw sa pagmumukha ko. Pa'no ba naman kasi kinurot ko sa tagiliran, magkatabi kasi kami. "Ehem. May tao dito at nilalanggam na dahil sa ka-sweetan ng kaharap namin," sabi ni Caila. Ano ba 'tong si Caila parang inuubo ata? Tapos ano 'yang pinagsasasabi. Tsk! "Tsk!" Alam niyo na kung sino 'yon. "Baka!" Kung alam ko lang na walang baka dito sa canteen hindi ko isisigaw 'yan. Pero wala naman talagang baka sa canteen ah? Meron ba? Tsk. Gulo ko. --- "Class dismissed!" Pahayag ng guro namin at saka lumabas na ng classroom. Yes naman! Uwian na't kami na lang ang naiwan sa room at 'yong mga kagroup namin sa Oral Communication. "Bukas alas-dos dapat nando'n na kayo sa park," sabi ni Caila. "Oo nga, para pagdating kanila Jace makapag practice tayo ng alas-tres hanggang alas-sinko ng hapon," sabi ko. "Malinaw na ba?" Tanong ni Caila kaya nagsitanguan naman kami. "Sige, magsi-uwi na tayo. Bukas ay sabado naman kaya matatapos ko na ang script bago tayo mag-practice." Ang ganda talagang ka-group si Caila, at saka buti hindi nag-iingay ngayon si Landipa kundi lilipad talaga siya palabas ng building na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD