Maaga akong nagising dahil sasabay ako kay Jace sa pagpasok sa eskwelahan. Minsan kasi kahit dito siya naninirahan pansamantala, ay iniiwan niya ako sa kadahilanang ang bagal ko raw kumilos. Pero ngayon ay pinilit ko talagang gumising ng maaga para makasabay sa kaniya. Nag-unat-unat muna ako nang biglang bumukas ang pinto. Kaya nanlaki ang aking mga mata't dali-dali kong kinuha ang comforter ko at tinabunan ang aking sarili.
"What the f**k, Jace! Can't you knock?" Iritable kong sigaw. Kulang na lang ay ibato ko rin sa kaniya ang lamp na nakapatong sa lamesang nasa tabi ng aking kama.
"Oh.. Sorry, I forgot," sabi niya at napakamot ng ulo.
Napansin kong ready na siya. Naka-uniporme na at halatang ako na lang ang hinihintay. Bibigyan ko na talaga 'to ng early bird award. Saludo ako sa kasipagan ng isang 'to.
"Sa baba ka na maghintay at mag-aayos na 'ko," sabi ko't kinuha ang tuwalya at pumasok na sa bathroom.
I missed mom, dad and kuya Heather. Kailan kaya sila uuwi? And I'm thinking if Kuya Heather meet his girl o wala pa rin.
Ang tanda na ng isang 'yon, pero wala pa ring girlfriend. Baka maunahan ko pa siya. Charot 'wag maharot!
"Cath are you done?" Tanong ni Jace mula sa labas ng aking kuwarto.
"Yeah!"
Agad kong kinuha ang bag ko't isinukbit ito sa aking balikat. Nag-huling sulyap pa ako sa harapan ng salamin at malawak ang ngiting binuksan ang pinto't kinawayan si Jace.
"Let's go. Para kang pagong, ang bagal mo," sabi niya't inirapan pa ako.
Hala! Pa'no siya natutong umirap? Nababakla na ba 'tong bestfriend ko? Ang sungit pa. May buwanang daloy ba 'to? Tinalo pa ako, eh hindi naman ako ganiyan 'pag may buwanang daloy. Mas gusto ko lang matulog at kumain 'pag nasa gano'ng sitwasyon ako.
"Ano na namang iniisip mo?" Tanong niya nang mapansin na ang tahimik ko dito sa backseat.
Napahalakhak naman ako sa tanong niya. Mukha kasi siyang inosente! Pero mukha naman akong baliw dahil sa bigla-biglang pagtawa. Ewan ko, masaya ata ako ngayon.
Isang bagong umaga, bagong kalokohan. Charot!
"Wala naman. Iniisip ko lang kung may menstruation ka ngayon. Ang hot mo kasi." Napasimangot na lang ako nang hindi siya matawa. Korny ba 'ko?
After an hour, nakarating na kami ng eskwelahan. It's been a month since I'd enter this school as a senior high student under the strand of Accountancy, Business, and Management. And, I can't help but to sigh. Medyo nakaka-stress pala talaga ang maging senior student. More schoolworks, paperworks, and so on. Pero medyo masaya naman dahil kasama ko ang bestfriend ko.
Areinstein Academy is one of a dream school for all students who wants to be in a famous academy, and at the same time, maayos at talagang gustong matuto. The facilities and teachers are the best for those students who wants to enter this school.
Bigla akong napalingon kay Jace dahil sa padabog niyang pagsara ng pinto ng kotse. At dire-diretsong naglakad palayo, kaya agad akong lumabas ng sasakyan at lakad-takbo ang ginawa ko para lang mahabol ang masungit kong kaibigan.
Ano bang problema no'n? Ang hirap niyang basahin. Grrr!
"Clarkson Jace Garcia! Wait up!" pagkasigaw ko ay agad siyang tumakbo ng mas malayo sa'kin.
Aba! tingnan mo 'yon, abnormal. Hindi naman hinahabol pero tumatakbo, linawin niyo nga, may fun run ba ngayon? Pero parang hinahabol ko siya sa ginagawa ko ngayon. Bakit nga ba ako tumatakbo para habulin siya? Eh hindi naman siya kahabol-habol.
Hay ewan! Bahala na nga siya pagod na akong maghabol. Binilisan ko na lang maglakad para makarating na sa room namin. Same room lang naman kami, kaya no worries!
Nang makarating ako sa classroom ay agad akong umupo sa aking silya. Pero di pa 'ko tuluyang nakakaupo nang biglang pumasok ang teacher namin. Medyo hinihingal pa ako dahil sa bilis ng lakad ko kanina, sign na siguro ito na papayat na 'ko. Charot! Hindi naman ako sobrang taba, 'no. Ang sexy ko kaya.
"Good morning, Class!"
"Good morning, Sir!" Bati rin namin nang sabay-sabay. Then, nang matapos ang batian ay nag-si-upo na kami.
Napalingon naman ako sa katabi ko't bigla akong natawa ng mahina. Ang pangit naman nito. Haha! Naka-poker face kasi siya habang nakikinig sa taong nasa harapan namin, which is teacher namin sa oral communication. Sa sobrang attentive niya ay 'di niya napansin ang munti kong tawa. Parang baliw tuloy ako dito.
Nag-discuss lang ang teacher namin ng bagong topic. Pero ito ako, tulala't walang pumapasok sa aking isipan. Parang wala sa mood na mag-isip at matuto ang utak ko ngayon. Gusto niya lang gumawa ng kalokohan at tumawa na parang baliw. Nakakaloka!
Ilang subjects din ang dumaan nang tuluyan na kaming mag-recess. Kaya mabilis kong hinila patayo si Jace sa kaniyang upuan. Nagugutom na ako at buti na lang talaga natapos na ang nakakaantok na klase.
"Hoy! Jace libre mo 'ko, ha!"
Trip ko lang talagang magpalibre ngayon. At trip ko ring asarin 'tong bestfriend kong ubod ng kasungitan at kaboringan.
Napa-tsk lang siya sa sinabi ko. Kaya sinundot-sundot ko ang tagiliran niya. Alam ko namang wala siyang kiliti doon. Pero malay niyo naman 'di ba baka biglang magkaroon.
Mga ilang minutong naka-steady siya nang biglang umangat ang gilid ng labi niya't nagsalita. Bigla naman akong napaatras. Mukha kasi siyang killer, at ako ang target niya. Parang pinagsisihan ko tuloy ang pagsundot sa tagiliran niyang wala namang epekto sa kaniya.
"Ah. Hinahamon mo 'kong babae ka, ha!" At boom! Kiniliti niya rin ako.
Hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil sa pangingiliti niya. Alam niya talagang malakas ang kiliti ko sa tagiliran, s**t!
"Hahaha Ja hahaha ce ta haha ma na hahahahaha!"
Hindi ko mabuo gusto kong sabihin. Pero nang mapansin niyang hinihingal na ako, ay agad siyang tumigil at inakbayan ako.
Grabeh! Halos mamatay na 'ko sa katatawa. Buti na lang tinigil niya na, kundi ay talaga sisipain ko siya kahit naka-palda pa ako. Minsan kasi kailangang magpaka-lalaki maipagtanggol lang ang sarili.
So, anong connect no'n? Hindi ko rin alam. Kayo na bahalang umalam dahil medyo nalito rin ako.
"Tara na! Gutom na ako," nakangiti kong sabi at tuluyan ko na siyang hinila palabas ng classroom.
"Okay, tara na! Kaya tumataba ka! Lagi kang gutom," sambit niya na nagpasimangot sa'kin.
Sus! Tabachoy daw ako, eh ang sexy ko nga. Hindi naman sa pagmamayabang, pero totoo 'yon.
Ang mahalaga, ngayon ay malilibre na naman ako sa recess! Parang araw-araw naman akong nagpapalibre. Kaya sanay na 'yong tikbalang kong kaibigan.
Bakit tikbalang? Aba aywan ko rin!