Chapter 47 Sa madilim na kalangitan at tahimik na paligid ay tanging maririnig lang ang takbo ng mga kabayo sa kagubatan. Nang madaanan nila ang pinangyarihan ng laban ni Mayor at Rodger ay hindi nila mapigilan ang kutuban ng masama. Kahit ilang rank 4 ang maglaban ay hindi ganito kalaki ang magiging pinsala. Kaya naman ang pumasok sa isipan nila ay may dalawang rank 5 na naglaban dito. "May ideya kaba kung bakit at sino ang naglaban na dalawang rank 5 malapit sa Edo?" Tanong ni Clan Head Kai kay Zac. Hindi kagaya sa Edo na alam ng lahat ang nangyari ay walang ideya kahit kaunti ang mga tagalabas, lalo na at mabagal ang pagkalat ng malalaking balita kagaya nito sa ibang lungsod. Maaari pa ngang pigilan ng malalaking pwersa ang pagkalat ng ganitong uri ng balita dahil sa pwede itong magr

