Chapter 41 Habang naglalaban ang mga rank 4 ay makikita sa bawat paligid ang katawan ng mga rank 3 na adventurer. Napakarami ng bilang nila at ang mga inatakeng parte ng katawan nila ay iisa lang. Ang kanilang mga dibdib ay may maliit na hiwa at mahinang berdeng liwanag. Ang liwanag sa dibdib nila ay lason na kayang i-paralyze ang mga rank 3 pababang adventurer sa loob ng mahabang panahon. Dahil sa may kani-kaniyang laban ang mga rank 4 na kinokonsidera niyang mapanganib ay naisip niyang tapusin na ang mga rank 3, para sa oras na matapos sila sa kanilang mga laban ay tatapusin niya na lang sila at wala ng problema. Ginamit lang niya ang pisikal na bilis niya kaya halos wala ring nabawas na mana sa kaniya. .... Mahina na ang dalawa sa puntong ilang suntok nalang ay baka mawalan na sila

