Chapter 44 Arena of Mira Ang mga manonood ay gulat na gulat sa nangyari. Ang aroganteng si Broden ay nagpakamatay dahil sa tindi ng galit na kinikimkim niya kay Kuma. Dahil sa masamang ugali nito at pagiging arogante ay wala ni isa sa kanila ang umisip na pwedeng may bumully sa kaniya. Galing din siya sa pinakamalakas na angkan, kaya ano ba talaga ang ginawa ni Kuma na umabot sa puntong handa siyang mamatay mapabagsak lang si Kuma? Sa isang hilera ng mga manonood ay nakatayo ang Clan Head ng Black Fang Clan. "Nanalo nga siya sa mga halimaw na 'yon?" Tanong niya kay Kekai para masigurong totoo nga ang nakikita niya. Matapos gamitin ng mga adventurer sa malalaking clan at faction ang tunay nilang abilidad na 'di hamak na mas lumakas kumpara sa dati ay nawalan siya ng pag-asa na mananalo

