Chapter 37 "Ngayong lumipas na ang isang oras ay sisimulan na natin ang ikalawang stage ng kompetisyon." Panimula ng butler, "Ipapaliwanag ko ulit ang mga panuntunan sa ikalawang stage, bawat isa sa inyo ay makikipaglaban ng isang beses. Magpapatuloy ang laban hanggang sa maging kalahati nalang ang bilang ninyo, sa madaling salita, limampo lang ang maaaring makasama sa huling stage ng kompetisyon." Dagdag pa niya. "Pumasok kayo sa stage at awtomatikong gagana ang formation na inilagay ko diyan. Bawat isa sa inyo ay magkakaroon ng numero sa likod ng mga kamay. Ang mga adventurer na may magkaparehas na numero ay ang mga maglalaban." Sinenyasan niya na pumasok sa stage ang isang-daang adventurer. Sinunod naman nila ito ng walang pag-a-alinlangan. Nang makapasok sila ay biglang nagliwanag a

