Chapter 26: "Poison Mist!" Nabalot ng makapal na berdeng hamog ang buong paligid. Dumikit ito sa yelo, ang yelong parang hindi mawawasak kahit anong mangyari ay nalusaw ng mabagal. "Sa tingin mo ay kaya mo akong ikulong dito, bata!?" Panglalait niya kay Zac nang makitang epektibo ang kaniyang atake sa frigid qi ng binata. Panipis ng panipis ang yelo hanggang sa malapit na itong tuluyang matunaw ng buo. Inihanda na ng bandido ang kaniyang paa para tumalon ng mabilis sa oras na malusaw na ng tuluyan ang yelo. 'Ngayon na!' Mabilis na tumalon ang bandido ng may ngiti sa labi. "Human-- a-aw!" Tumama ang katawan niya sa isang bagay. Halos mawasak ang bungo niya dahil sa gamit niya ang buong lakas. "AAAHH! Humanda ka!" Galit na pagbabanta nito at tinignan ang yelong nalusaw na pinagtalunan

