Chapter 28 Edo City Ang ilang taong tahimik at mapayapang pamumuhay sa Edo ay tuluyan nang naglaho. Nagulat ang iba't-ibang faction ng magdeklara ng giyera ang Flame Faction laban sa Mayor's Faction, ang pinakamalakas na Faction. Ang Mayor faction ay may dalawang miyembro lang. Ang leader na Mayor at ang Vice Leader na kahit kailan ay hindi pa nagpapakita sa publiko. Kahit na hindi nila kilala ang Vice Leader ay aprobado na ng lahat ang taglay nitong lakas dahil sa dating inatake nito ang isa sa mga dating pinakamalaking faction, pinatay niya lahat ng miyembro nito nang hindi man lang nalalaman ng iba ang kaniyang katauhan. Ilang beses nang inimbistigahan ng Cold at Flame faction ang vice leader ng Mayor's Faction. Kaso, sobrang maingat ito at kahit na anong imbistiga ang gawin nila ay

