18.
Si Tevi.
Siya ang gusto 'ko..
Puntahan.
Kaya naman agad 'ko siyang hinanap. Malaki ang Neverland kaya nahirapan ako hanapin siya. Saan na ba kasi ang Tevi na 'yun? Hinanap 'ko na siya sa iba't ibang parte ng baybayin kung saan naroon ang mga tao para magpa/galing at mag usap usap.
Kaya naman nag tanong tanong ako.
"Kuya kilala mo ba si Tevi? Nakita niyo po ba siya?" Tanong 'ko. "Pasensya na po, itinakda.. hindi 'ko po siya nakita" akward pero okay lang. "Sige po"
Pumunta ako sa isang babae na hula 'ko ay si Cattleya. Tinawag kasi siya kanina.
"Hi, kilala mo ba si Tevi?" Tanong 'ko. Medyo umirap siya saakin bago humarap. "Yes, why?"
"Uhm, alam mo ba kung nasaan siya?"
"Diba mataas kana? Bakit hindi ka mag patulong sa mga bantay?" Napatigil ako roon.
Ito ang ayaw 'kong mangyari. "Cattleya.." awat sa kaniya ng kaibigan niya siguro. "Aw, sorry tagapagligtas. Maghanap ka nalang, hindi 'ko kasi alam" sarcastic nitong sabi.
Ngumiti ako ng pilit at tumalikod. Ayoko na, gusto 'ko na umuwi.
Sensitive akong tao, ayokong may ganung nangyayari saakin. Parang pinapamukha na hindi na ako belong sa kanila dahil kakaiba ako. Oo, kakaiba ako.
Sinabi saakin ni Allegra na kakaiba ako dahil magkaibang dugo ang dumadaloy saakin. Ako lang ang nilalang na mag kaiba ang dugo.
Pero ang kakaiba na sinasabi 'ko, eh 'yung parang pinapamukha nila na mataas ako at wala na dapat akong pake alam sa kanila.
Wala lang. Sa sobrang sensitive 'ko parang gusto 'ko na umiyak, madamdamin pa naman ako.
"Sobra.. sobrang madamdamin 'ko. Simpleng bagay" bulong 'ko tsaka tumingala para hindi malaglag ang namumuong tubig sa mata 'ko.
Luna niyo OA.
"You look like your mom.." napatingin ako sa tumabi saakin. "Mabilis rin itong umiyak... iyakin"
Pakyu Tebi!
"Like mother like daughter" sabi nito.
Umirap ako at tumawa. "Iyakin ba talaga kami?"
"Crybabies was the cutest" sabi nito. "So cute ako?"
"Wala akong sinabi" -__-
"I remember when your mom brushing my hair while crying. Linalayuan daw kasi siya ng mahal niya" sabi nito.
Aww. Nakasama pala ni Tevi ang mga magulang 'ko, well bata palang daw siya noon.
Akala 'ko sabay kaming ipinanganak pero hindi, siguro isang taon or dalawang taon daw sabi ni Tevi noon pero bakit sa kuwento nila parang eight years old na si Tevi noon?
"Kamusta sila noon?" I tried to not stutter.
"They're not in good place when they're Pinuno. Sorry hah? Ang naabutan 'ko lang kasi noon ay Pinuno na sila at nagkakagulo na" sabi nito.
Tumango lang ako habang pinagmamasdan ang araw. "Nag kakagulo saan?"
"Dahil nga ayaw ng mga taga neverland noon sa magulang mo, pinag kaisahan nila ito tsaka sinubukang pabagsakin. 'Yun ang mga oras na linalabanan nila ang lahat.. ang mga kalahi nila" sabi nito.
"Did they go through a lot?"
"Oo, sobra.. ako ang nahihirapan sa kanila noon. Minsang nabanggit ng nanay mo saakin na sana, sana hindi nalang itim na salamangkero si Sotelo.. sana normal nalang silang tao" sabi nito.
"Bakit nga ba malapit ka sa mama 'ko?"
"Hindi naman sa malapit ako. Pero nag ta-trabaho kasi ang pamilya 'ko sa kanila bilang bantay, walang nag aalaga saakin noon kaya sinasama ako ng inay. Kaya ayon, nakakasama 'ko siya." Sabi nito.
"You know what? Your mother is very kind. Mahilig siya sa bata noon. Lalo siyang naging mahilig sa bata nang mamatay ang una anak niya.. ang kapatid mo" tumingin siya saakin. Alam 'ko, kahit deretso lang akong nakatingin.
"Kuya 'ko?" Tumango siya.
"May kapatid ako.. may kapatid ako" sinubukan 'kong hindi maiyak. "Paano siya namatay?"
Huminga siya ng malalim. "Pinatay ito ng kalahi ng iyong Ina. Tatakas sana si Sythrine at Sotelo noon at naka handa na ang portal para sa kanila nang maabutan sila ng mga taong salamangka. Hindi naman talaga nila papatayin ang kapatid mo. Aksidente iyon" kuwento nito.
"Anong pangalan niya?"
"Walang nakakaalam."
Tumulo ang luha 'ko. Bakit nila ginawa 'yun? Kung hindi ba sila naging malupit sa mga magulang 'ko may pamilya parin ako?
"Hindi sana ako ulila ngayon kung hindi sila naging malupit sa mga magulang 'ko.
"I would not be alone" sunod sunod na ang luha 'ko no'n. Kaya lumapit na ako kay Tevi para mag pa comfort. Hindi 'ko alam bakit.
Pero agad niya naman akong ikinulong sa bisig niya. "Nandiyan kaya ang Mama Esmeralda mo, Si Ali si.. si Zayn? Tsaka si Ealy." Sabi nito at pinapatahan ako.
"A-asan ka?"
"Ah.. kasama rin ako" sabi nito tsaka tinapik tapik ang likod 'ko.
"Alam mo bang naiiyak ang mama mo kapag may nakikita siyang umiiyak? Totoo 'yun! Tapos ayaw niya rin na may nag sasabing mag isa lang siya dahil para kay Sythrine, mahal niya ang lahat" kuwento nito.
Yinakap 'ko tuloy siya pabalik. "Kung alam mo lang kung gaano ka kamahal ng mama mo.."
"Gaano?"
"Hindi niya iniwan ang Neverland kahit kailan. Naging tapat siya sa kaniyang tungkulin, kahit isang minuto lang hindi niya ito iniwan. Pero nang malaman niyang may masamang balak sayo ang kalahi niya, walang pag dadalawang isip siya na umalis sa Neverland at pumunta sa Shawntland para itakas ka kahit sumugod ang mga Maskos noon. Iyon rin ang araw na lalong nag init ang mga dugo ng buong tao sa Magic Island sa kanila" kuwento nito.
Dahil saakin?
"Mahal na mahal ka ng mama at papa mo. Alam mo naman siguro 'yun diba?"
Tumango ako na parang bata. "You deserve to be happy, Luna" sabi nito.
Napunta ang tingin 'ko sa malayong bato kung saan naroon ang isang lalaki na naka sandal at nakatingin lang saamin ni Tevi. He look so bored. Zayn look so bored.
"Si Zayn oh" sabi 'ko.
Agad na lumayo saakin si Tevi. "Saan?"
Ha?. Bakit? Gusto 'ko pa nga mag pa comfort eh! Hindi pa tapos pag eemote 'ko.
Napatingin siya kay Zayn na naging seryoso ang mukha. Zayn siga bumalik ulit.
Hinatid nalang muna ako ni Tevi kay Ali para magpahinga kami at nakita 'kong nag usap si Zayn at Tevi.
Natawa pa nga ako nang kotongan ni Zayn si Tevi. Si Tevi naman ay sinipa siya sa p***t at ayon nag rambulan sila.
Sa huli rin ay inakbayan ni Zayn si Tevi habang ginuhulo ang buhok ay naglakad na sila paalis.
Brother <3
Lumipas ang ilang araw mula nang sumugod ang Maskos na iyon. Sa pag lipas ng araw ay lalo akong kinikilala ng mga tao.
Hindi ako sanay at na we-weirduhan ako. Ayoko non. Parang, parang ewan!
Mas naging close din kami ni Ali at Ealy. Hindi lang silang dalawa, si Hailey at Helena rin.
Ang apat na iyon ang lagi 'ko nang kasama sa bahay namin ni Ali. Actually bahay na naming lima kasi pinayagan kami ni Mama na tumira sama sama.
Lagi na kaming mag kasamang lima. Tinuruan ako ni Ealy magluto ng iba't ibang pagkain na hindi masiydo kilala. Tinuruan ako ni Hailey kung paano gamitin ang kapangyarihan 'ko. Tinuruan naman ako ni Helena kung paano gamitin ng maayos ang barrier.
Kahit pa hindi ito lumilitaw, tanging kapag nasa kapahamakan ako.
Sama sama kaming nag t-training.. Si Allegra at Prof Son na ang nag tuturo saamin, tinututukan ako ni Allegra.
Sabay sabay kaming pumapasok sa School kahit pa hindi kami pare-pareho ng klase. Pagdating naman ng break-time mag kakasama kaming pito.
Well, pito kasi kasama namin si Zayn at Tevi.
Hindi 'ko alam bakit bumubuntot saamin si Zayn kasi si Tevi.. nakikipag kaibigan siya kahit shy type siya. Warm man 。◕‿◕。
Si Zayn naman walang imik at laging seryoso. Sasagot lang kapag tinatanong, minsan galit pa nga eh.
Minsan rin puro mura ang lumalabas sa bibig, minsan rin buong araw nanlalait. At minsan rin sinapian ng anghel dahil nanlilibre.
Bipolar si Zayn at sa mahigit isang buwan naming pagsasama nasanay kami roon.
Mas naging close nga lang kami ni Tevi. Sobrang sweet at caring niya, para siyang Maria Clara na boy version.
Bale Mario Claro. Jk!
Minsan pinapabisita niya ako sa dorm niya kapag may time para mag kuwentuhan, gusto 'ko kasi ang mga kuwento niya lalo na sa past ng mga magulang 'ko. Matalino si Tevi.
Siya ang nag eexplain sakin kung ano ang Countess, iyon daw ang mataas na katawagan sa isang nilalang na parang nobility. Hindi ito ang pinaka mataas ang sabi ni Tevi.
Ang sinasabi namang Capo ng bawat lupa ay mga namumunon or Punong Bantay daw ng lugar.
Kaso iba si Pinuno. Hawak niya ang lahat ng lupa, parang mga kanang kamay niya lang.
Kunyari sa Freeland, may bantay roon si Capo Elias. Mataas din sila kaya rinerespeto ng lahat.
Mahilig din si Tevi sa experiment kaya minsan sinasama niya ako. Marami siyang kinukuwento saakin. Nag papahiram pa siya ng libro.
Mahilig kasi ako sa libro.
Sa pagdaan rin ng mga araw nakakaramdam ako ng pagka sarkastiko ng iba saakin, marahil hindi nila ako tanggap o hindi nila ako gusto.
Palaging si Cattleya ang nangunguna sa mga ganun. Hindi 'ko nalang pinapansin.
Mas naging malapit ako kay Miss Esmeralda at sa konseho, lagi kasi nila ako pinapatawag. Actually tuwing may project sila lagi nila ako ini-inform at sinasabihang sumali raw o manood para sa future, may alam na ako.
Mas naging malupit ang training 'ko. Lahat pinagawa sakin, pinatalas nila ang pang amoy at pang dinig 'ko. Ang pakiramdam 'ko.
Minsan may nalalabas akong kapangyarihan pero hindi namin ito masaktohan at hindi sigurado kung ano ito.
Naging malapit rin ang ibang tao saakin. May ibang Capo na gusto ako makilala pero wala raw silang oras, sa susunod nalang.
Nakaka tuwa pero ang weird din. Kahit ayoko ng ganitong treatment okay lang. Para rin naman ito sa marami.
Para rin ito saakin, at sa imahe ng mga magigiting Pinuno ng Magic Island noon.
Ang aking mga magulang..