3RD PERSON POV BILANG naestatwa si Gino sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang boses na iyon. Umalis naman sa pagkakayakap sa kanya si Cain para makaharap sya sa taong pinanggalingan ng boses. Pagharap nya ay sinalubong sya ng nakataas na kilay ni Mars. "H-Hello Mars, a-anong ginagawa mo dito?" "Ako dapat ang nagtatanong nyan bhes, akala ko ba busy ka? Hmm, mukhang may pinagkakaabalahan ka nga." Napalunok sya ng wala sa oras dahil sa sinabi nito pero ng mapansin nyang nagawi ang tingin nito sa katabi nya Si Mars naman ay parang na-stroke na ito ng mapagawi ang tingin sa kanyang tabi. Ang bibig nito ay napanganga at napangiwi sya ng makita ang mga mata nito ay parang nagpupuso-puso sa paghanga sa lalaking kanyang kasama. "Uyy Mars! okay ka lang?" pagkaway pa nya sa harap ng mukha n

