NGAYON ay sabado ang day-off namin ni Mars, mabuti na nga lamang dahil parehas ang araw ng day-off namin. Dahil dito ay nagkakaroon kaming dalawa ng oras para makapagbonding, isinasama nya lagi ako sa pagsho-shopping nya tapos nanunuod din kami ng movie at kakain sa Mcdo. Nagising ako ng maaga para makapaglinis ng bahay bago ako magbihis para makapagjogging. Matapos kong maglinis ng bahay ay naghanda na ako para makapag exercise. NANDITO na nga kami ngayon sa pinakamalapit na park sa aking lugar, kapag day off ay nagjojogging ako at isinasama ko din si Miggs para makalabas naman sya sa bahay. Habang nakaupo ako at nagpapahinga ay napadpad na naman ang aking isipan sa isang katanungan na hanggang ngayon ay gumugulo sa saking isipan. [ 'Bakit ba masyadong big deal para sakin kung sino an

