3RD PERSON POV NATAPOS ang buong maghapon na kay bagal para kay Gino kaya naman napahinga siya ng maluwag nang makitang oras na ng out nila sa opisina. "Bhes, halika na," pag aaya ni Mars sa kanya. Tumango naman siya at binitbit lahat ng mga dala. 'Hayss sa wakas makaka-uwi na rin ako.' Nang makababa sa ground floor ay nakasalubong nila doon ni Yuan at Jewel. Mukhang nag uusap ang dalawa pero napatigil ng makita sila. "Uii pauwi na rin kayo mga siz," masiglang tanong pa ni Jewel sa kanila. "Oo naman, anong gusto mo dito na kami matulog?" sarkastikong sagot ni Mars kaya napanguso ni Jewel. Patuloy ang naging pag uusap nila hanggang makarating sa parking lot ng kumpanya. "Pauwi na rin kami ni Jewel, gusto mo bang sumabay Gino?" Napatingin naman sya kay Yuan dahil sa tanong nito.

